TRY TO KILL
Nagsimula na kaming kumain nailabas ko na lahat ng iyak ko kanina sa park nahihiya ako kasi basang basa ang damit nito kanina
Sarado na ang restaurant nito at kami na lang ang tao
"Pinaiyak ka niya?" tanong nito sa akin habang kumakain kaming dalawa ng masarap na luto niya
"Paano mo naman nalaman kung sinong nagpaiyak sa akin manghuhula ka?" tanong ko sa kaniya
"Hindi, pero alam kong may something sa inyo ni echo . You know madali kasing malaman ng businessman ang secreto ng isang businessman buti na lang walang mabunganga sa industry na ito" natatawang sabi niya
"Kasalanan ko din naman . Ansakit pala mag assume " natatawang sabi ko okey na ako eh naiiyak ko na kanina kaya gumaan na ang loob ko kaunti
"Wag ka kasi mag assume hangga't walang assurance marupok ka din eh" pang aasar niya sa akin
"Ito naman" naka pout na sabi ko sa kanya
"Wag ka ngang magpacute baka agawin kita kay echo sige" pagbabanta nito
Tinignan ko lang siya ng masama
"Im just kidding alam mo hindi pa tayo masyadong close pero may aura ka na gustong gusto ko alam mo yun dala dala mo ata positive vibes mo kahit nasaan ka" sabi nito sa akin
"Ganun talaga dapat happy lang" sabi ko sa kanya
"Sana happy ka talaga" seryosong sabi nito
Pagkatapos naming mag dinner hinatid niya ako sa condo gamit ang motor niya . Binaonan niya pa ako ng fried squid
"Grabe kapit mo sa akin parang hindi na bibitaw ah" pang aasar niya
"risky kasi ang motor natatakot ako baka bigla tayong mabanga o mag crash ganon" sabi ko sa kanya at balik ng helmet niya
"Sige sa susunod na mag me-meet tayo kotse na gamit ko" sabi nito sabay kindat sa akin
"Goodnight smiley" kumaway ako at pumasok sa condo
---------------------
Kinabukasan pumasok ako sa opisina para lang ayusin ng mga gamit ko doon.
"Secretary Mae sabay ka na sa amin kumain ng breakfast" sabi ng mga ka officemate ko ng makita nila akong pumunta sa canteen
Nasa isang mahabang table sila .
"ako nga pala si rachel, thank you ulit sa pagsagip mo sa akin . Masakit pa ba yang kamay mo?" tanong nito
"Ito hindi naman" sabi ko
"Ikaw lang nakapag pigil kay bryan alam mo bang sobrang suplado nun kasi lagi pinapagalitan ni president" sabi nila
"Kayo ah may something ba kayo ni hans?" tanong ulit nila sa akin
Umiling ako "Hoy! Wala ah" sabi ko sa kanila "Matalik na kaibigan ko si hans" sabi ko
"Baka sila ni president" asar ng mga lalakeng kasama namin
"Wag ka doon monster yun" babala nila sa akin
"Kayo naman mabait naman siya sadyang busy lang siya sa mga trabaho ikaw ba namang madaming company tapos ung iba nasa iba't ibang bansa pa" sabi ko tumango naman sila
"May point ka naman doon"
---------------------
Madami akong natutunan sa ibang empleyado dito .
Natapos ang trabaho ko ng 7pm nag aantay ako ng taxi sa ibaba ng biglang tumigil ang sasakyan ni echo?
"Sakay na mae" sabi ni hans pumasok ako at nagsimula na itong mag drive
"Bakit ka nandito? Bakit hindi mo sinamahan si echo?"tanong ko
"Pinaiwan niya ako eh . Tska wag kang mag alala nagpasama naman ako ng ibang PSG sa kanya sa singapore" sabi nito
"Pagpasensyahan mo na kami kagabi ah" sabi ko
Umiling ito at tumawak " okey lang yun sanay na ako sa inyong dalawa lagi kayong parang aso't pusa" sabi nito "Tubig siya langis ka ganun hindi pwedeng pagsamahin" natatawa ulit nitong sabi
Nang makarating na kami sa condo ko . Kumaway ako sa kanya para mag paalam
"pag tinawagan ka ni echo sabihin mo hinatid kita ah" bilin nito
"Pag tinawagan niya ako hindi ko sasagutin kaya wag kang mag alala sayo siya tatawag" natatawang sabi ko sa kanya
ECHO'S POV
Natapos na ang unang meeting ko dito sa singapore
"Hans asaan ka?"
"Nasa labas ako ng condominium ni Mae kakahatid ko lang sa kanya pauwi na din ako bakit?"
"Wala naman tinatanong ko lang"
"Wag kang mag alala okey naman siya sa office kanina nakakangiti pa din naman siya kumain pa nga siya kasama mga officemate niya eh"
"The hell I care"
"Hindi ba kaya ka tumawag para malaman ang mga yan, as if naman sa akin ka concern baby" pang aasar nito
"Yuck okey I'll
"Kuyaaaaaaa" may sumigaw sa background kay hans
"Ako bakit?" nakikinig lang ako sa usapan nila
"Kaibigan ka ni mae hindi ba may kahina hinalang lalakeng pumasok sa unit ni mae" hysterical nitong sabi
"Hans, anong nangyayari"
"Ewan ko echo tatawagan kita mamaya"
MAE'S POV
Gumising ako sa hospital nasa E.R. ako .
"okey ka lang ba ?" tanong ni hans
Igagalaw ko sana yung katawan ko naramdaman ko ang hapdi sa bandang leeg ko
"Anong nangyari?" tanong ko ang naalala ko lang sa loob ng unit ko madilim tapos may humila sa akin nawalan na ako ng malay
"May nagtangkang patayin ka kagabi buti nahabol pa ako nung blaeza ba yun ung neighbor mo ? Sinabi niya sa akin na may pumasok na lalake sa unit mo" pag explain nito
"Pwede na ba akong umuwi?" tanong ko
"Pwede na inaantay lang kitang magising" sabi nito 12am na at ayaw ko ng atmosphere ng emergency room
Sumakay na ako sa kotse
"Doon ka muna sa bahay ni echo mae atleast doon safe ka" sabi nito hindi na ako umangal dahil inaantok na rin naman ako
Pagdating ko ng bahay nila echo wala ng tao siguro tulog na ang mga katulong dumiretsyo ako sa guestroom at natulog na ako
Pero imbis na ang maalala ko eh yung gustong pumatay sa akin at ang nangyari sa condo . Mas naiisip ko yung nakita ko sa office ni echo hanggang ngayon hindi ko pa din matangap ang nakita ko