CHAPTER THIRTY-FIVE

1.7K 37 1
                                    

FAMILY

Ilang araw ang lumipas bukas na ang kasal ni mae . Excited na ang anak ko sa plano namin sabi niya hindi pa daw niya na tr-try na matulog sa yacht . Ganun na ba ka poor si De Elanza na sa limang taon nilang magkasama ng anak ko hindi niya naisakay sa yacht kahit yung ordinary lang.

Gabi gabing pumupunta dito si mae kinakamusta niya ang anak namin buti na lang malakas ang anak ko katulad ko hindi niya pinakita sa mommy niya na may iniinda siyang sakit . Pinacheck ko na din siya sa doctor ngunit wala naman daw nabaling kung ano mang parte ng katawan nito . Mukhang hindi naman na trauma ang anak ko dahil masayahin pa din ito .

Binigyan kami ni Mae ng invitation pati ako baka sakali daw na makapunta ako . Kung wala akong balak bukas, wala din akong balak pumunta doon over my dead body kahit ilang baril pa ang nakatutuk sa akin hindi ko sila bibigyan ng blessing .

May kumatok sa pinto ko

"Come in" sigaw ko

Pumasok si fort "Daddy excited na ako for tomorrow. Matulog ka na din" pagpapaalala ng anak ko

"Susunduin ka ni tito jarine dito okey? Antayin mo siya bukas" nilapitan ko siya at hinalikan sa noo "Goodnight son" sabi ko lumabas naman ito nag lean on ako sa pinto ko at inantay na makapasok siya sa kwarto niya

"Ready na ang lahat"

Message na galing kay hans. Napangiti na lang ako . I own you Mae. Akin lang !

Gumising ako kinaumagahan mag bre-breakfast na anak ko nakarating na din ang mga box na kukunin nila aiki dito.

"Saan ba ang punta niyo?" tanong ni Manang Aurora

"Magbabakasyon po kami" sabi ko

"Saan?"tanong nito

"Secret" sabi ng anak ko na ikinatawa ko

"Babalik din kami manang siguro mga 1 buwan kaming mawawala" sabi ko

"Fort, kita na lang tayo doon ah ! Antayin mo si Tito Jarine dito" sabi ko tumango naman ito

MAE'S POV

Nasa condominium ako ngayon at inaayusan dapat masaya ako sa kasal ko pero malungkot ako dahil hindi ko kasama ang anak ko. Wala na ba akong karapatan maging masaya?

"Ms.Azenette, kailangan ko po ng signature niyo para ma assure namin na mababayaran niyo po ang lahat ng ito" sabi ng isang babae bayaran ?

"Hindi pa ba nababayaran ng mapapangasawa ko iyon?" tanong ko umiling naman ito .

Tinatawagan ko si raizen pero mag ri-ring ito biglang mag e-end . Ring tapos end ganun baka busy lang siya . Pinirmahan ko iyon at umalis na ang babae .

Ng maiayos na nila ako nagsimula ng mag picture picture ang mga camera man . Paglabas ko may sumalubong sa akin dalawang men in black .

"Pinadala po kami ni Mr.De Elanza para bantayan kayo" sabi nila inalalayan nila akong makapasok sa elevator parang ang we-weirdo ng mga tao ngayon

Paglabas namin ng condo may nag aabang na isang puting kotse

"Wait hindi ko wedding car ito" sabi ko itim ang kinuha naming kotse ni raizen

"Pinapalitan po ni Mr.De Elanza ang wedding car" sabi nila at pinapasok ako sa loob

"Teka" sigaw ko

The President's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon