CONFESSION
Gumising ako at makita na ang bandage sa leeg ko
"Hans" tawag ko kay hans bumaba ako sa may sala pagbaba ko biglang nagbukas ang pinto at iniluwal nito si echo agad naman niya ako niyakap ng mahigpit
"You scared me" bulong nito, ito nanaman siya sa mixed signals niya itulak niya ako
biglang dumating si hans "bakit?"
"gusto ko sanang palitan yung bandage sa leeg ko . Hingi sana ako ng tulong sayo" sabi ko
"Ako na lang" sabi ni echo
"Wag na si Ma.aurora na lang" sabi ko at hinanap si Ma.Aurora binigay ni hans ang medical kit kay Ma.aurora at siya ang tumulong sa akin mag palit ng bandage
"Jusmiyo, sinong masamang nilalang ang nag isip na pagtangkahan ang buhay mo" sabi nito
"Sa ngayon hinahanap pa lang namin siya" sabi ni hans
Nang matapos na ang pagpapalit ng bandage
"Ma.aurora gusto ko po ng gatas pag timpla niyo naman po ako tapos pakitaas na lang po sa kwarto" sabi ko at iniwasan si echo
"Mae can we talk?" sabi nito
"Mae" tawag ulit nito sa pangalan ko
"Yes! Mr.Ford ? Hindi po kasi ako nakapasok sa office ngayon hindi ko alam kung anong meeting niyo try mong itanong si hans baka alam niya" sarkastiko kong sabi
"Bakit mo ba ako iniiwasan?" tanong nito
"Natural lang sa aking gawin ko yun pagkatapos kong mahuli ang mapapangasawa kong may kahalikan na iba sa opisina niya" matigas na sabi ko sa kanya
"accidente yun okey? Hindi ko ginusto yun" pag e-explain niya
"at tingin mo maniniwala ako sayo? Come on echo" sabi ko sa kanya
Tinalikuran ko siya
"Mae" tawag niya ulit sa pangalan ko
"Maeeee" medyo mataas na ang boses niya
"Kinakausap pa kita wag mo akong tinatalikuran" galit na sabi nito
"Mahal mo ba ako?" tanong ko sa kanya na ikinatahimik niya
"MAHAL.MO.BA.AKO?" diin kong sabi sa kanya
"Hindi ko alam, okey hindi ko alam" naguguluhan nitong sabi
"wag mo questionin ang actions ko kung ako sayo ayusin mo muna yang sarili mo" sabi ko sa kanya
--------------------------
Naiinis pa din ako kay echo hanggang ngayon nakakaasar kasi pakita motibo
Nagpunta kaming sabay sa company niya pero hindi kami ng uusap
"Sir, nasa taas po si Mr.Timothy and Ms.Kiesha inaantay po kayo ni Mae" sabi nito bakit ako nadamay?
Tinungo namin ang elevetor at pumunta na sa office ni Echo
"Nandito na pala kayo" sabi ni timothy
"Ilang oras na ba kayong nandito?" tanong ni timothy at umupo sa swivel chair niya ako nakatayo lang sa tabi ng table niya
"Gusto ko sana kayong imbitahin sa wedding anniversary namin ni timothy" sabi nito sabay abot ng invitation sa aming dalawa
"Bakit kasama po ako?" tanong ko
"Mmhh di ba ? Ikaw ang partner ni echo? What I mean is secretary niya kailangan ka niya doon" sabi ni timothy
Binuksan ko ang invitation at nakita kong sa susunod na araw na iyon
"Sa susunod na araw po? Baka hindi po ako makakasama" sabi ko na ikinaalis ng ngiti nilang dalawa
"Bakit naman? It will great seeing the both of you there" sabi ni keisha
"Mag re-resign na po kasi ako bilang secretary ni Mr.Ford bukas hindi na po ako aabot sa susunod na araw" sabi ko
"What the hell are you talking about?" biglang bulyaw ni echo
Ibabalik ko na sana yung invitation hinawakan ni echo yung kamay ko
"We will go" sabi nito
"Sige. Aasahan ko kayo doon . Aalis na muna kami kailangan niyo na atang mag usap" sabi ni timothy at umalis na sila ni keisha office
Pinikit ko ang mata ko saglit at minulat ito ang mga mata niyang puno ng galit .
"Anong pinagsasabi mo kanina ? Anong resign" tanong nito sa akin
"Para hindi mo na masabing secretary mo LANG ako magreresign na ako bahala ka na sa buhay mo tska kaya naman ni hans kung ibabalik ko sa kanya yun napag usapan lang naman namin na ibigay sa akin iyon dahil gusto kong mapalapit sayo . Pero kung ganto rin lang" tumigil ako at nagpipigil ako ng galit ko baka may masabi akong pagsisihan ko "kung ganto rin lang pala na mas magiging complicated ang lahat kasi secretary mo ako wag na lang . Aalis na rin ako sa buhay mo siguro naman pwede kong ipapalit kay papa yung last willing and testament nila ng papa mo para hindi na ako ma ikasal sayo" sabi ko sa kanya
"No, no you will not do that" sabi nito "I told you don't leave me" bulyaw nito
"Ikaw ang unang tumalikod sa atin hindi ako" sabi ko
"Pwede ba ! Wag kang unfair" sabi nito
At ako pa ! "ako pa ang unfair? Ikaw ang nagpapakita ng mixed signals sa akin tapos sasabihin mo wala tayong relation? Ako pa ang unfair?" sabi ko dito
"I told you hindi ko pa alam ang nararamdaman ko . Yes ! I admit it hindi ko alam isasagot ko sa ngayon . Kasi hindi ko pa alam kung mahal ba kita o hindi kaya nga sabi ko let's take it slow . Nahihirapan din ako Mae hindi ko na alam minsan tinataboy kita kasi nararamdaman ko na nasasaktan na kita . Pero sheyt hindi mo alam ang nararamdaman ko pag malalaman ko na aalis ka at iiwan mo . Tngina di ba ? Sinabi kong wala tayong relation pero noong umalis ka at pumunta ka sa park para kitain si raizen hindi ako mapakali" nagulat ako sa sinabi niya paano niya nalaman na si raizen ang kasama ko noon ?
"Paano mo---" hindi niya ako pinatapos
"Sinundan kita nakita kong magkayakap kayo alam mo yung feeling na ayaw lang kitang masaktan kasi hindi ko naibabalik yung binibigay mong pagmamahal sa akin . Pero yung makita kang may kayakap na iba sinasaksak yung puso ko mae" sabi nito
"Hanggang sa makauwi ka sinundan kita noon nakasunod kami ni hans para masigurado kong nakauwi ka ng safe . Hirap na hirap akong magbyahe kasi wala akong sapat na tulog kakaisip sa nakita ko . Parang pinaranas mo sa akin real quick yung naramdaman mo nung nakita mo kami ni bernice at bullsht nagsisi ako na nakita mo iyon . Hindi ko alam na hahalikan ako ni bernice noon . Yun ang nakita mo hindi ko tinugon ang halik niya kasi ayaw ko yung halik na iyon"
"Para akong tanga na tumatawag kay hans para kunwari kamustahin siya pero ikaw lang naman talaga gusto kong kamustahin . Tapos malalaman ko na may nangyari masama sayo hindi ko alam kung anong gagawin ko sa singapore noon . Pina resched ko lahat ng maaga ang mga meetings ko para maka uwi agad rito tapos ang isasalubong mo sa akin eh parang wala akong kwentang fiance na ayaw mo man lang ako tulungan ka gamutin ang sugat mo na kahit yun na lang makabawi ako sa mga nagawa ko sayo" sabi nito sa akin hindi ko alam bakit ako umiiyak ang haba ng mga sinabi niya nakaka panibago lalu na parang nag co-confess pa siya sa akin
"You'll pay for this" sabi nito sabay halik sa akin
