ONE OF US
ECHO'S POV
Maaga akong gumising hindi ko na siya ginising kasi baka galit pa siya sa akin . Hindi ko ine-expect na ganun siya mag re-react sa ginawa ko ganun na ba sila ka close nung De Elanza na yun
Nang makarating kami sa office nagsimula na akong mabasa ng documents na naka lagay sa office table ko
Tinignan ko ang orasan
"Hans" tawag ko sa kanya sa labas agad naman itong pumasok
"Bakit?" tanong nito
"Si Mae? Pumasok na ba?" tanong ko sa kanya
"Echo, tumawag si manang aurora sa akin kanina wala daw si mae sa kwarto niya"sabi nito
"huh?saan siya?" naglayas siya ? Ganoon na lang yun inaway lang maglalayas ka na
"Nag iwan daw siya ng note sa kwarto niya sabi uuwi sa bahay nila sa pampanga kasi birthday daw ng papa niya" sabi nito
MAE'S POV
"anak" salubong sa akin ni mama sabay yakap ng mahigpit
"ang ganda mo naman anak ang ayos na ng buhok mo" nag pout ako so hindi ako maganda noon mama talaga
Nakita ko si papa na naka ngiti
"Mag isa mo lang?" sabi nito sabay yakap sa akin
"Sabi ko naman sayo papa sobrang busy ng mapapangasawa ko" pabirong sabi ko sa kanya
"Sige na pasok na para makapag pahinga ka na siguradong pagod ka sa byahe" sabi ni mama
"Akala ko ngayon ang birthday mo papa saan ang handa?" sabi ko
"Anak kasi akala namin hindi ka makakapunta ngayon kaya ipinabukas namin " sabi ni papa
"ah okey po" sabi ko tumaas na ako sa kwarto ko hindi ganto kaluwang ang bahay namin pero 2 palapag ito simpleng bahay lang na miss ko ito masyadong malaki kasi bahay ni echo. Naligo muna ako at nagbihis naka sando lang at shorts ako mainit kasi rito
Natulog muna ako .
Gumising ako medyo madilim na parang ang ingay ingay sa bahay . May kaguluhan ba ? Gumising ako at tumingin sa ibaba
"Anong nangyayari?" tanong ko sa kanila andaming tao dito kasi nandito na ata ang mga pamilya ng papa ko at mama ko .
"Anak kasi" sinalubong ako ni mama sa hagdanan
"Love" gulat ako biglang lumabas si echo sa dami ng mga tao bakit nandito siya
"Akala ko anak hindi makakapunta ang asawa mo?" tanong ni papa lumapit ito sa akin at inakbayan ako
"Alam niyo naman pong malakas ang anak niyo sa akin atska pasensya na po hindi ko siya naihatid kanina madami pa po kasi akong tinapos para makasama ako sa kanya dito kahit ilang araw" sabi nito agad naman kinilig ang mga tito at tita ko pati ang mga pinsan ko
Hinila ko siya papunta sa kwarto ko
"Ano bang ginagawa mo dito?" sabi ko sa kanya
"Bakit hindi mo sinasabi sa akin na may gantong ganap ? Baka isipin ng papa mo na pinapabayaan kita" sabi nito bakit hindi ba ? Secretary mo nga ako pag wala tayo dito eh
"Busy ka kasi ayaw na kitang istorbohin" sabi ko
"Walang busy, busy pag ganito" sabi niya sa akin at alis ng jacket niya
"Tska kasi ano, kagabi sana ako magpapaalam pero ano nag away kasi tayo" sabi ko habang pinaglalaruan yung daliri ko hindi niya pinansin ang sinasabi ko
"Kukunin ko lang yung gamit ko sa kotse" sabi niya sa akin
Tumango ako
"Don't try to leave again without my permission" sabi nito sa akin bago siya lumabas at isinara ang pinto hindi ko alam bakit ang bilis ng tibok ng puso ko parang may tumatakbong kabayo sa loob . Hindi ko na lang maiwasan na ngumiti
Buhat buhat ni echo ang dala niyang bag
"Anak pwede bang sa iisang kwarto na lang kayo matulog" sabi ni papa
"Po?" gulat na tanong ko sa kanya
"Anak kasi nandito ang mga tito mo puno ang mga kwarto natin eh wala ka namang gagawing masama sa anak ko hindi ba?" tanong ni papa kay echo
"Oo naman po" sabi nito at agad tumaas umupo na lang ako sa sofa namin na gawa sa kahoy
"Love" tawag ulit ni echo sa akin pakitang tao siya ah ! Pa love love kasi nandito sa pamamahay ng magulang ko . Namangha akong tignan siya naka sando lang siya at basketball shorts parang kung paano manuot ang mga tao dito sa amin ganun din siya
"Sobrang init ba?" tanong ko sa kanya wala kasi kaming aircon electric fan lang
"manageable" sabi nito at upo sa tabi ko
"Sinong kasama mong pumunta dito si hans?" tanong ko sa kanya
"Iniwan ko siya doon siya muna magaasikaso sa company habang wala pa tayo" sabi nito sa akin "bakit alam ba ni hans yung mga ginagawa mo?" takang sabi ko
"valedictorian si hans noong grade school at middle school .. Summa cum laude siya ng college matalino siya at siya ang may ari ng Security Agent kaya niya yun" sabi nito
"Edi mayaman pala siya ? Bakit mo siya security" tanong ko sa kanya
"Hanggang ngayon nagbabayad pa din siya ng utang na loob sa magulang ko kahit ipilit ko na wag na, siya mismo ang may gusto noon .Doctor ang mommy ko noong nagkasakit ang papa at mama niya si mommy ang sumagot ng lahat ng pangangailangan nila kasi wala pa silang kaya noon . Tapos hanggang sa mawala sila si mommy ang tumulong sa kanila , sa kanya . Kaya ko siya naging kaibigan kasi noong bata ako nasa bahay na siya . Tapos noong nawala sila mommy at daddy nandoon din siya sila ni manang aurora kasa-kasama ko noon" sabi niya sa akin himala nag o-open ang isang echo sa akin minsan hindi ko alam anong nakakain niya at bumabait siya
"anak tara na kumain na tayo" tawag ni mama sa amin
Nagsimula na kaming mag hugas ng kamay
"Mag kakamay kamay tayo" sabi ko kay echo bigla naman itong natulala alam kong hindi siya sanay sa gantong pamumuhay umupo na kami at sinandukan ko siya ng pagkain niya
Natatawa na lang ako kasi pinagmamasdan niya sila tito na nag kakamay kamay
"paano yan?" bulong niya sa akin
"Watch and learn" sabi ko sa kanya
Pinakita ko sa kanya kung paano sinubukan naman niya ng walang halong arte kaya minsan mapapasabi na lang ako ang swerte ko sa kanya sana hindi na matapos ang ganto kasi alam kong pagbalik namin hindi nanaman maganda ang pakikitungo niya sa akin
"Masarap ba yan?" turo niya sa kinakain ko
"Gusto mo?" tanong ko sa kanya kukuhanan ko sana siya biglang binuksan ang bunganga
"ahhhh" sabi nito habang nakanganga natawa na lang ako at sinubuan ko
"aba ! Itong dalawang ito hindi pa kayo kasal sobra na ang pag alaga niyo sa isa't isa" sabi ni tito bernardo
Bigla namang namula ang pisngi ko
"Ganyan po yata talaga pag malapit na ikasal" natatawang sabi nito talaga ba ? Papakasalan mo nga ba talaga ako?