MY SON
ECHO'S POV
Mapapatay ko talaga yung De Elanza na iyon sulutero . Bad trip
Kakatapos namin kumain nagpapahinga na lang kami ng biglang may tumawag kay mae
"Yes ! Really . Were going there wait for us" yaan lang narinig ko .
"Let's go fort sunduin natin si tito raizen sa airport" tignan mo aagawin pa ang oras ko sa mag ina ko
"Already? Can I stay with daddy muna" sabi ng anak ko you really a good boy huh ! Tumingin ng masama sa akin si mae nag patay malisya ako wala akong kasalanan anak na namin ang pumili
"wag kang mag alala aalagaan ko siya unahin mo na yang priority mo" sarkastiko kung sabi
"Echo" inis na sabi ni mae sa pangalan ko
"Mommy don't worry kaya na namin ni daddy ito" sabi ng anak ko
"fine !" hinalikan niya ang anak namin sa noo at umalis na
Pag alis ni mae
"Lets go" binuhat ko ito
"Where will we go?" tanong nito
"Sa mall kiddo" sabi ko sa kanya pagsakay namin sa kotse magkatabi kami napansin ko na naglagay ito ng distance sa gitna namin
Bigla nanaman itong tumahimik
"Is there any problem?" tanong ko sa kanya
"Are you angry?" tanong niya sa akin na ikinataka ko " hindi mo na ba ako love daddy ?"
"Bakit mo naman iniisip yan anak" sabi ko
"I punched your leg sa supermarket I hurt you daddy. Im sorry don't hate me please" sabi nito napangiti na lang ako at nilapitan siya
"Anak hindi naman masakit yung suntok mo eh atska why would I hate you, you are my son and I love you" sabi ko sa kanya hindi ko maimagine ang sarili ko na nagsasabi ng iloveyou sa ibang tao pero mas hindi ko naimagine na mag iloveyou sa anak ko kasi gulat ako na may anak na din ako
"Really, you don't hate me?"tumango ako at ngumiti sa kanya agad naman itong tumayo at niyakap ako "I love you daddy" bulong nito iloveyou more you know my son ..
Pumunta kami sa stall na puro laruan dito sa kingdom mall
"Wow daddy this is heaven" sabi ng anak ko pumunta siya sa isang corner kung saan madaming pang male kids na laruan .
"Daddy cars" sabi nito sabay turo
"Get all you want son I will buy it for you" sabi ko
"Really dad" galak na sabi nito nag isip muna ito saglit at kinuha ang isang maliit na sasakyan "okey na ko dito dad" sabi nito
Wtf ! I can buy 500 pieces of that fvcking car if he want bakit isa lang ang gusto niya
"Son, you can buy all you want it doesn't matter" lumuhod ako at tinignan ang itsura niya " baka kasi maubos ang money mo . Kami kasi ni mommy noon sa japan we only buy 1 toy in 1 month kasi sabi niya yun lang daw ang kaya ng budget namin" sabi nito
Gosh ! Nagmana ang kagwapohan mo sa akin pero nagmana ka talaga sana nanay mo sa ugali napaka kuripot napaka matipid "Si daddy kasi walang target na budget . Hindi mo na kailangan bumili ng 1 toy in 1 month . We can buy all you want" sabi ko " daddy worked hard for you son because I want you to be happy" sabi ko sa kanya
Tumalon naman ito at nagturo na ng nagturo ng mga laruan kinuha ko naman lahat iyon dinala ng mga employee ang mga nabili namin sa kotse ko pumunta kami sa pinakataas na floor kung saan yung office ko
"Is this your office dad?" tanong anak ko tumango umupo nama ito sa isang sofa
"Paglumaki ka na magiging sayo na ang office na ito" sabi ko sa kanya
"This is too big dad I can't manage this well" sabi niya
"You will son, because you are my son and of course I will teach you soon" sabi ko sa kanya
May kinuha ako sa isang costumize na necklace . Letter F for Ford sana iyon pero dahil Fort naman ang pangalan ng anak ko sa kanya na lang iyon ..
Isinuot ko sa kanya "what is this dad?" tanong nito
"F stands for Fort" sabi ko sa kanya
"Wow so this is mine ! Dad what is that liquid thing inside my necklace" sabi nito
"My blood" sabi ko sa kanya to mark that I own you son . Like I own your mother
"Wow ! Amazing" sabi nito binuhat ko na siya at pumunta na kami sa parking lot
"Look tito hans daddy gave me this" pagmamalaki ni fort kay hans ng necklace na binigay ko sa kanya
"That is really a good one . Treasure it" sabi ni hans at gulo sa buhok ni fort . Dumiretsyo kami sa bahay ko pagdating namin doon agad naman kaming sinalubong ni Manang Aurora
"Ito na ba si fort" galak na sabi ni manang aurora tumango ako
"Hello po" sabi ni fort agad naman nagmano ito kay Manang aurora
"Magalang na bata naturuan ng maayos ni mae" pagpuri ni manang aurora
"Lets go to your room" sabi ko sa kanya pumunta kami sa kwarto niya noong nakita ko sila ni mae sa supermarket noong tinawag niya akong daddy alam ko ng may anak akong dapat laanan ng oras kaya yung isa pang guestroom noon ginawa ko ng kwarto niya pinaglagyan ko ng mga stickers at pinalitan ang mga rag at mga gamit ng color blue
"Wow daddy is this my room" sabi nito tumango ako at tinuro yung isang cabinet "Pupunuin natin ng toys yang cabinet na yan" sabi ko sa kanya
Nag pout naman ito " I wish na dito na lang kami matutulog ni mommy" sabi nito "soon son, soon" hindi ko hahayaan na magpakasal ang mama mo sa ugag na yun .
Pababa na kami ng hagdanan ng biglang pumasok sa pinto si Mae kasama si Raizen
"Let's go home fort" sabi ni mae sa anak namin
"Wait mommy mag papaalam muna po ako kay lola aurora at kay tito hans" sabi ni Fort at punta sa kusina
"This is my house and as far as I know bawal ang magpapasok ng hayop dito" sabi ko sabay tingin kay Raizen
"Alam mo kung wala lang dito si Fort Im not going here . This place is worst than hell" sagot naman nito
"Buti alam mo kung nasaang lugar ka . Kaya dapat alam mo rin kung saan ka lulugar" tingin ko ng masama sa kanya
"Lulugaran bilang tatay ni Fort. You demon" sabi nito sa akin
Napahalakhak ako ng kaunti "ang anak na sinasabi mo ay tunay kong anak kung demonyo ako matakot ka dugo ko ang nanalaytay sa anak ko baka magulat ka mas mauna pang malaman ng anak ko ang baho mo bago ko pa malaman" pagbabanta ko sa kanya