CHAPTER THIRTEEN

1.9K 39 0
                                    

CONCERN

"Echo kumain ka muna ng lugaw bago ka uminom ng gamot" sabi ko

Umupo ito at hindi niya maalis ang katawan niya sa kumot kaya wala akong nagawa kung hindi ay subuan siya

Habang kumakain ito natawa siya

"Bakit?" tanong ko sa kanya

"Antagal ng walang gumagawa sa akin nito si mommy ang last tapos ngayon ikaw na" sabi nito sabay subo

"Si Ma.aurora?" tanong ko sa kanya

"Hindi ako nagsasabi sa kanya kung may sakit ako kasi natataranta silang lahat hindi nila alam ang gagawin nila mas sumasakit ang ulo ko sa pinag gagawa nila" natatawa nitong sabi

Nang maubos niya ang lugaw uminom na siya ng gamot bumaba ako para mahugasan ang pinag kainan niya

"Anak, pasensya na dahil sa akin nagkasakit pa ang mapapangasawa mo" sabi ni papa

Nginitian ko lang ito at umiling " okey lang po iyon ayaw niya nga po na malaman mo kasi baka makonsensya ka daw eh nag enjoy naman siya sa usapan niyo kanina"

"Iyong batang iyon talaga. Gusto ko lang naman malaman kung karapat dapat ba siyang mapangasawa mo . Hindi pa naman kasi kami handa na ikasal ka pero nasa tamang edad ka na at nasa tamang tao ka na rin lang naman" sabi ni papa sabay yakap sa akin

"Papa ako pa din naman ang anak niyo na si Mae kahit ikasal na kami" sabi ko

"Mukhang kailangan na ata namin gumawa ulit ng isa pa ng mama mo" natawa na lang ako sa kalokohan ng papa ko tumaas ako para icheck ulit si echo mahimbing na itong natutulog dahan dahan akong tumabi sa kanya . Hindi ganun kaluwang ang kama ko kaya ramdam ko pa din ang init ng katawan niya

Ramdam kong may nag vi-vibrate kaya hinanap ko iyon nakita ko ang phone ni echo na nasa paanan

Si hans sinagot ko ito

"Echo"

"Hans si mae ito tulog na kasi si echo"

"Mae susunduin ko kayo jan bukas ng umaga mga 10am . Kailangan niyo kasing mag attend sa bahay apunan sa susunod na araw yung foundation na naka partner si echo kasama sila timothy . May thanks giving program sila para sa kanila . After that may business trip si echo sa singapore para sa pagpapatayo ng Golden Empire tower"

"Sige"

Napaka busy niya talaga pero thankful ako at nagawan niya ng oras ang makasama ako rito

"magpagaling ka na ah ang dami mo pang gagawin hindi ka pwede magkasakit" sabi ko at haplos sa mukha niya

-------------------

Hindi na natuloy ang pagtaas namin ni echo sa bundok dahil late itong nagising at meron na si hans .

Sinalubong kami ni hans at kinuha ang mga dala naming gamit

"Anak" naiiyak na tawag ni mama sa akin

"Ma, babalik pa naman ako dito" sabi ko

"Oo pero matatagalan nanaman" sabi nito

Niyakap ko sila ni papa

"Alagaan mo ang anak ko" bilin ni papa kay echo tumango naman ito

"Mag ingat kayo sa byahe" sabi nila sumakay na kami sa kotse at nagsimula ng mag drive si Hans .

Nang makarating na kami hinatid nila ako sa condominium ko .

"Sigurado ka ba na ayaw mo doon sa bahay?" tanong ni echo natawa naman ako sa tanong niya

The President's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon