BE WITH YOU
Halos hindi ako makahinga sa halik na ibinigay niya sa akin
"Try to leave me again. I'll punish you" sabi nito
"Grabe ka naman humalik" sabi ko sa kanya hanggang ngayon kinukuha ko pa din ang hininga ko
"Bakit ikaw nga unang humalik sa akin niyan eh" natatawa nitong sabi
"Hindi ah !" kailan?
"Remember nung lasing ka sa bahay niyo? Hinalikan mo ako noon pasalamat ka nga hindi ko pa kinakagat yung labi mo tulad ng ginawa mo sa akin" sabi nito sabay hawak sa labi niya "akala ko masusugat na yung labi ko nun" tumatawa pa din ito na parang nang aasar
"Wag ka nga gumagawa ka nanaman ng kwento" sabi ko sa kanya
"Hindi kaya totoo kaya yuon tapos tumatawa kasi ako sa mga halik natin kaya bigla kang sumimangot at nagtanong kung hindi ba maganda ang performance mo tapos natulog ka na" sabi nito sumandal siya sa lamesa niya at hinila ako nasa gitna ako ng mga hita nya nakatayo nakayakap ang kamay niya sa bewang ko pero may space pa din sa pagitan namin
"Kanino mo ba nasagap na mahilig ako sa good kisser" tanong nito
"Sa party nila timothy may nag chi-chismisan na babae narinig ko" sabi ko
Nag isip ito "Yeah gusto ko ng good kisser" sabi nito kaya sinuntok yung balikat niya
Ngumisi ito" pero kung ikaw ang usapan mas gusto ko ng baguhan ayaw ko na natuto ka na ibig sabihin kasi noon na try mo na sa iba gusto ko ako yung magtuturo sayo . Tapos ia-apply mo lang sa akin at hindi na sa iba" sabi nito
Binatukan ko siya "ang manyak mo" sabi ko sa kanya
"Ikaw kaya unang nagmanyak sa akin" pang aasar niya ulit
May biglang kumatok
"Mr.Ford nanjan po ba si Ms.Azenette" sabi nito
"Nandito ako" sigaw ko para marinig nito
Pumasok naman ito umayos kami ng ayos ni echo
"Ms.Azenette. Si Mr.De Elanza po nasa canteen aantayin niya daw po kayo doon" sabi nito sabay sara ng pinto
Lalabas na sana ako ng bigla nitong hilain ang kamay ko at yakap sa akin
"Bakit ba lagi kang pinupuntahan noon . Pinagpapalit mo na ba ako sa kanya" sabi ni echo sabay pout ang cute niya nakakaasar itong lalakeng toh
"Hindi kita ipagpapalit remember mahilig ako sa gwapo .. Actually gwapo din naman si Raizen pero mas gwapo ka kaya doon ako sa mas gwapo" sabi ko sa kanya ngumiti naman ito
"Oh lalaki ulo mo bwisit" natatawa kong sabi sabay alis sa pagkakayakap niya
Lumabas na ako ng office niya at pumunta sa canteen
"Mae" tawag ni raizen sa akin nasa pinaka gilid ito yung kukunting tao lang meron
"Oh bakit ka napadalaw" sabi ko rito
"Wala gusto lang kitang makita" sabi nito umupo ako at nginitian siya
"Kumain ka na ba ?" tanong nito "May dala kasi akong pagkain" sabi nito
Nagtataka na ako sa kanya bakit ganto siya makitungo sa akin
"Anong meron Raizen bakit ka ganyan?" tanong ko sa kanya "bakit ang bait mo sa akin? Hinahatidan ng pagkain .Nililibre ng dinner" sabi ko
"I think Im falling for you" mahinahon na sabi nito "I tried to forget you pero nag fla-flashback lagi sa akin yung scenario noong nasa party tayo" sabi nito sa akin
"Im sorry" yun lamang ang nasabi ko
"I know wala akong chance kasi may echo ka na" sabi nito
"Echo is not just special as you think para sa akin . He is my fiance .I am the president's secret I can't love you because I love him more than I love myself hindi ko kayang magbigay sa iba kinuha niya na lahat" mahina kong sabi para walang makarinig sa amin
"How can that happen? Paano niya natitiis na makita ang mapapangasawa niya na gumagalaw na secretary niya . Inaapakan niya na ang pride mo" sabi nito sa akin
"I trust you I know you will not spill out any thing even a letter ng mga pinag usapan natin . Pero ako ang nag suggest na maging secretary niya noon I just want to be with my future husband . Arrange marriage kasi ang nangyari so hindi kami prepared hindi kami magkasundo pero ngayon okey na kami nagkakasundo na kami . Sinasabi ko ito raizen kasi ayaw kong umasa ka" sabi ko sa kanya
Nginitian niya pa din ako "Thank you dahil concern ka pa din sa akin . But still hindi yang rason na yan ang makakapag alis ng fact na nagugustuhan na kita . Im not going to ruin your relationship with him . Remember I will always be here no matter what" sabi nito
"You're a good friend Raizen thank you" sabi ko sa kanya
Pagkatapos ng pag uusap namin nagpaalam na siya dahil may meeting na siya bumalik ako sa office ko
"Mae, kumain ka na ba ? Sabay ka sa amin daming food" tawag ng mga ka officemate ko
"Okey lang hindi ako gutom" sabi ko
"Sayang libre pa man din ito ni President mukhang good mood ngayon lang nang libre ng food yun at gurl lahat pa ng department andami kaya nun " sabi nila napangiti na lang ako nagiging anghel na siya
"Mae" tawag ni hans sa akin ng makapasok ako sa opisina ko
"Ano?" tanong ko sa kanya
"Samahan daw kitang pumunta sa condo mo kunin mo na daw lahat nf gamit mo doon lilipat ka na daw sa bahay ni echo?" nalaglag ang panga ko sa sinabi niya seryoso ba siya ?
"Talaga?" tanong ko napangiti na lang ako sabi ko na nga hindi niya na kakayanin ng wala ako hahaha .
"Hindi siya makakasama kasi may meeting pa siya eh" sabi ni hans bumaba kami at sumakay sa kotse dumiretsyo ito sa condominium ko
Pagdating ko doon saktong palabas si blaeza
"Mae, kamusta ka okey ka lang ba ?" tanong agad nito paano niya nalaman ?
"By the way mae siya humabol sa akin para sabihin na may lalakeng pumasok sa unit mo" sabi ni hans
"Oww thank you kung walang nakapansin noon baka patay na ako ngayon" pagbibiro ko pa sa kanya
"Saan ang punta mo?" tanong ko sa kanya naka pormal kasi ito na suot
"Maghahanap sana ako ng trabaho" sabi nito
"Nag hi-hire ang company ngayon hindi ba hans?" tumango naman ito "Punta ka doon sa may Ford Company yung pag aari ni Echo Ford mag apply ka doon irerecommend kita sa boss ko para makapasok ka" sabi ko sa kanya
"Thank you mae,thank you" sabi nito
"Ano ka ba okey lang yun maliit na bagay pa yun para kapalit ng pagtulong mo sa akin" sabi ko
Nagpaalam na ito at umalis
Tinawagan ko agad si echo
"Hello why anything happen?"
"ah wala kasi may friend ako na mag a-apply sa company mo pwede mo ba siyang tulungan makapasok ? I owe her my life siya kasi nagsabi kay hans na may pumasok na lalake sa unit ko"
"Okey pag qualified siya sige tutulungan ko siya for you"
"Thank you by the way nasa condo na ako"
"okey"
Binabaan ako bigla sira ulo tong lalakeng ito talaga
Nagsimula na akong mag empake ng gamit ko