LEAVE
ECHO'S POV
Isang linggo na ang nakalipas mula ng mailibing ang magulang ni Mae . Hindi ito kumakain, hindi ito nagsasalita kahit ako ayaw niya ako kausapin
"Manang Aurora ano?" tanong ko
"Ganun pa din iho eh yung iniwan ko pa ding pagkain kagabi doon hindi nabawasan" sabi ni Manang aurora
Pumunta muna ako sa kwarto niya bago pumasok
"Mae, please kumain ka naman na wag mo pabayaan ang sarili mo" sabi ko sa kanya
"Leave me alone" sabi nito
"Mae please" pagmamakaawa ko
"I said leave me alone" sigaw nito umiling na lang ako at lumabas ng kwarto niya bumaba na ako at sumakay sa kotse
Pag punta namin sa opisina sa bungad pa lang ng company ko may nakapaligid na, na reporter
"anong nangyayari?" tanong ko kay hans
"Hindi ko din alam" sabi nito
Pag labas ko ng kotse agad akong inassist ni hans
"Mr.Ford totoo po ba na girlfriend niyo ang anak ng tatakbo sanang mayor ng pampanga at nasangkot sa pangungurakot na si Mr. Julio Azenette" tanong ng isang reporter
Napatigil ako at tinignan ito dumiretsyo ako sa loob ng company ko at hinarangan na sila ng security guard sa labas .
"Anong sabi ng reporter?" ulit na tanong ko kay hans
"Saglit inaalam ko" sabi ni hans na parang may kausap sa cellphone niya pagdating namin ng opisina ko
"Na balita kanina sa t.v. ang balita sa papa ni mae ang sabi nag nakaw daw siya ng pera sa mga kababayan nila na balak niya lang daw umupo sa pwesto ng mayor para mapagtakpan ang negosyo nito nagbebenta daw ng droga ang tatay ni mae siya daw ang tra-transport ng kung ano anong klaseng droga sa pampanga" sabi ni Hans
"What the fvck ! " sigaw ko hindi maari iyon kilala ko sila nakasama ko sila mabubuti silang tao
"Segurado akong fake news yun echo pero magaling ang gumawa may mga ebidensya na inihanda matibay ito sa korte" sabi ni Hans
Napahawak ako sa ulo paano ko aaminin ngayon na fiancee ko si Mae sigurado akong mababaliktad ang situation lalabas na gold digger ito ayaw kong mangyari iyon
"Pero patay na ang magulang ni mae hindi ba pwedeng tantanan na nila" sabi ko
"Patay man o buhay pag nagnakaw sa bayan ng pera alam mo namang issue iyon" sabi ni hans
Lumabas si hans ng opisina at tumawag ako sa bahay para sabihin na wag manuod ng tv si mae
"Manang aurora wag na wag niyo pong panunuorin ng tv si mae kahit anong mangyari" sabi ko
"Bakit iho?" tanong nito
"Basta wag po" sabi ko