CHAPTER FOURTY-ONE

1.9K 43 0
                                    

I love you

ECHO'S POV

Gumising ako at ramdam ko pa din ang sakit ng katawan babangon na dapat ako ngunit nakayakap ang anak ko sa may bewang ko habang nakahiga sa hospital bed si mae naman ay nakaupo at nakayakap sa kamay ko habang natutulog .

Aayusin ko sana sa pagkakahiga si Fort pero biglang nagising si Mae

"Gising ka na pala anong gagawin mo?" tanong nito

"Aayusin ko sana si fort" sabi ko pero bago pa namin ayusin sa pagkakahiga si fort agad itong nagising

Tumingin siya sa akin "Daddy" sigaw nito sabay yakap ng mahigpit

"I thought you're gonna die" bulong nito

"Fort wag muna daganan si daddy masakit pa ang katawan niya" sabi ni Mae at alis sa pagkakayakap sa akin ni fort

Biglang pumasok si hans "Sakto gising ka na" pagkasabi niya nito may pumasok na attorney

"Attorney" tawag ko "hans pumunta muna kayo ng anak ko sa canteen"

Kinuha ni hans si fort at nilabas sa kwarto ko

"Mr and Mrs.Ford" sabi ni attorney sabay upo sa bakanteng upuan

"Nandito na po ang agreement tungkol sa divorce ninyo" binigay niya sa amin ang mga papeles

"Tulad ng napag usapan Mr.Ford ibibigay kay Mr.Fort Darrell Ford and buong pag aari mo pag legal age na siya . Ibibigay mo ang buong mansion kay Ms.Mae Chiesa Azenette kailangan niyo na lang itong pirmahan" sabi ng attorney ko at umalis na siya pagkatapos

"Echo ano toh?" tanong ni mae

"Divorce papers hindi ba nangako ako sayo ng divorce pag nakaalis na tayo . Gumawa ka ng usapan tumutupad lang ako" sabi ko

"Ah talaga" sarkastiko nitong sabi "Sige kung gusto mo ng divorce mag divorce na tayo" gusto lang kitang maging masaya kung alam mo lang pinirmahan niya ang paper "sige mag divorce na tayo wag na wag mo na akong aabalahin pa, wag ka na din magpapakita sa akin tutal hindi naman na kita mahal hindi ito masakit para sa akin kaya nga hiniling ko ito para makaalis na sayo" sigaw nito at umalis na ng kwarto ko . Pinunasan ko ang luhang galing sa mga mata ko .

MAE'S POV

Panay ang pag iyak ko at yakap sa unan ni Echo . Hindi ko alam saan ko napulot ang mga sinabi ko sa kanya sa hospital.

Bumaba ako sa kusina para sana tignan si Ma.Aurora kailangan ko ng makakausap ngunit sa dulo ng hagdan nakasalubong ko si Hans

"Na discharge na siya" sabi nito tumingin ako sa likuran niya at sa paligid

"Eh asaan siya?" tanong ko

"Hindi umuwi eh" sabi nito sabay abot ng isang brown folder "pasensya na hindi ko na siya talaga napigilan tapusin"parang nangatog ang tuhod ko sa sinabi nito alam ko na kung ano iyon .

"sumakay ka sa kotse ko may ipapakita ako sayo" agad naman akong sumakay sa kotse niya sa labas . Sumunod siya sa akin ng mailagay niya ang bagahe sa salas. Nagsimula na siyang magmaneho parang wala akong lakas tanungin kung saan ba kami pupunta nag stop kami sa tapat ng building na DARK .

Sinalubong kami ng isang babae at nag bow sa amin . Naglakad lang ako sinundan siya pagbukas niya iyon agad bumungad sa akin ang iba't ibang painting ng mukha may tulog, may nakangiti may nakasimangot may nakatalikod at kung ano ano pa nakalagay ito sa malalaking picture frame

"Marunong si Echo mag paint pero hindi niya ito pinapakita . Noong natapos niya Ipaint ang unang mukha mo tinanong ko siya bakit hindi siya mag paint ng iba sabi nito hindi niya daw kaya . Bago daw kasi siya mag paint minememorize niya daw ang bawat angulo ng litrato o yung nasa isip niya . Pero wala siyang ibang memorize na itsura yang sayo lang . Sinabihan mo daw siya noon na gusto mong nakakakita ng mga art ginawa niya itong art gallery na ito para sayo. Sa loob ng 5 years na iyon wala na siyang ibang minahal kung hindi ikaw" bumuntong hininga si Hans

"Kaya sigurado ako nawala lang siya sa landas niya ngayon . Kailangan mo ulit ipadama sa kanya na nanjan ka para maramdaman niya ulit na mahal ka niya " agad itong napatawa "akalain mo iyon nag umpisa kayo na ikaw ang habol ng habol sa kanya tapos ngayon siya na ang patay na patay sayo"

May hinila siya rope at biglang nagbukas ang isang malaking red curtain . At bumungad doon ang picture naming dalawa ni Fort "Kayong dalawa ang mundo niya, wag mo sanang hayaan na maging mag isa siya . Buong buhay ni echo lagi na lang siyang nag iisa. Hindi ba ngayon deserve niya na ang mamuhay ng masaya"

Pinunasan ko ang luhang panay ang pagpatak sa aking mga mata mula pa lang nung pag pasok namin sa art gallery na ito .

"Pero hindi ko alam kung nasaan siya" sabi ko

"Ihahatid ka ng chopper sa isla. Doon mo siya matatagpuan"

"Pero baka hindi niya na bawiin ang divorce"

"Doon mo lang malalaman ang sagot mae" sabi nito

ECHO'S POV

It feels liks home ! Mag isa ko nanaman sa isla na ito .tsk ! Parang hindi naman ako sanay mag isa . Humiga ako sa white sand at isinuot ang sunglass ko at pinikit ko ang mga mata ko

Namiss ko na ang anak ko , si mae . Pero parang okey na din ito nakayanan ng mag ina ko na wala ako mas makakayanan nila ngayon .

"Mag tatago ka na lang sa akin" isang sigaw ang narinig ko na nagpagising sa akin . Tumingin ako sa gilid medyo malabo ang paningin ko dahil sa araw

Pero habang palapit ng palapit ito naaninag ko si Mae

Agad akong tumayo lumapit siya sa akin at sinampal ako ng sobrang lakas kadahilanan na tumilapon ang sunglass na suot ko

"What the hell did I do?" iritang sabi ko hawak ko pa din ang pisngi ko fvck ang sadista ng babaeng ito sobrang sakit

"So ito ang hideout mo dito ka magtatago pagkatapos mo kaming iwan ng anak mo" sabi nito sa akin

"Hindi ba nag usap na tayo? Ikaw ang humiling ng divorce ngayon ako sinisisi mo binigay ko lang kung anong gusto mo . I set you free. Why would I force you to love me again kung hindi mo na nga kaya" sabi ko sa kanya

"You jerk" sigaw nito sabay sampal ulit sa akin namumuro na siya ah

"Fvck ! Bakit ka ba kasi nandito ? Can you just leave me alone . Lalu mo akong pinapahirapan lumayo ako para makalimutan kita makalimutan ko na mahal kita . Makalimutan ko lahat ng pinag samahan natin at mga ---"

"Mahal kita" dalawang salita na biglang nagpatahimik sa akin "Mahal na mahal kita hindi nagbago iyon natakot lang ako, natakot akong masaktan mo ulit ako not knowing na nasasaktan na kita . Bakit mo ba ako pinapahirapan ng ganto . Akala ko divorce ang makakapag alis ng nararamdaman ko sayo kasi mali eh, para sa akin mali kasi sinaktan mo na ako noon"

"Ilang beses na akong nag explain mae hindi ko na alam kung ano pang sasabihin kong explanation sayo mapaniwala ka lang na hindi ko intensyon na saktan ka" sabi ko sa kanya

Umiling ito "hindi ako nakinig, ayaw kong makinig kasi ayaw kong mag sisi na nagtago kami ng limang taon nag mahal ako ng maling lalake dahil hindi ko pinakingan ang explanation ng asawa ko . Noong sinabi mong mag fi-file ka ng divorce hindi mo alam kung gaano ako nagmamakaawa sa diyos na wag mo ituloy iyon . Pero bakit mo pa din tinuloy . Hindi mo na ba talaga ako mahal? Napagod ka na ba sa ugali ko ---" hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita niya at binigyan ko siya ng malalim na halik

The President's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon