Sebastian's POV"May karagdagang impormasyon tayong nakuha sa biktima," saad ng head namin, "may nakitang note sa bulsa ng pantaloon ng biktima."
"Anong sabi sa note?" I asked interestingly.
Hindi na sumagot ang head namin, sa halip may nag flash na picture sa projector namin. Karma is sweet, but revenge is sweeter, that's what the note said. Napakunot ang noo naming lahat.
"Ibig sabihin may atraso siya dati?" tanong ko, "Wala bang finger prints na nakita sa note?
"Wala rin," tipid na tugon ng head namin habang may tinitingnan paring files.
"Kung may atraso siya dati, ang tanong ay kanino," wika nung isa naming kasama.
Lahat kami napatingin sa IT specialist namin.
"Okay, okay," taas kamay niyang tugon, "I'll beep you up kung may Makita ako."
"So, that's all," sabi ng head namin, "Dismiss."
Agad akong bumalik sa cubicle ko. Ilang minuto rin akong nakatitig lang sa screen ng monitor ko dahil wala akong makitang kahit anong puwedeng maging rason para patayin si Alba. Ang nakakainis pa, walang makitang finger prints na puwedeng maging ebidensiya. Para kaming mga bulag na nangangapa sa dilim.
BUMALIK AKO SA bar kung saan madalas pumunta si Alba at yung mga kaibigan niya. Magtatanong-tanong ako doon baka sakaling may makuhang inpormasyon. Pag park ko sa kotse ko, umagaw agad sa pansin ko ang naka-park na Ducati. I can't help but smirk. What was her name again? Uh, yeah, Andi.
Pagpasok ko agad kung nakita yung bartender at ang nag-iisang babae na naka-upo sa counter. That's her. Naka-upo ng di kuwatro. Nang makalapit ako sa counter, naamoy ko ulit ang amoy ni Andi. How could I forget that sweet, feminine smell? Umupo ako sa tabi niya kaya napalingon siya. She rolled her eyes the moment she saw my face."Tequila," sabi ko sa bartender.
"Good evening, sir, saglit lang po," bati ng bartender. Tumango lang ako.
Lumingon ako sa gawi ni Andi, "Hi," bati ko sa kanya.
Hindi niya ako pinansin. "Snob ka pala," I chuckled. Hindi pa rin ako pinansin. Ano ba 'tong babae 'to?
"here's your tequila, sir," sabi ng bartender sabay abot nung order ko.
"Bayad ko," sabi ni Andi, "Mauna na ako."
"Okay, ingat," alam kong hindi ako ang kausap niya. Wala lang, gusto ko lang siya inisin, ang snob kasi. Hahaha.
"Huwag ka ngang papansin, hindi ikaw ang kausap ko," sabi niya sabay inirapan ako.
Natawa ang bartender, "Sige ma'am Andi, ingat po kayo." Tipid niyang nginitian ang bartender.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas siya.
"May itatanong po ba kayo sir tungkol doon sa kaso ni Sir Brent?" biglang tanong sa akin ng bartender. Shit, iyon nga pala ang ipinunta ko dito.
"Oo, pero mamaya na ako magtatanong," sagot ko.
"Kayo pong bahala, sir."
"Yung babae, Andi ba pangalan niya? Madalas ba siya dito?" tanong ko sa bartender.
"Ah, opo, sir," lumapit sa akin ang bartender, "Mga 2 years na po yatang regular costumer dito si ma'am Andi."
"Ano real name niya?"
"Naku, Andi lang po ang alam ko sir," sagot nung bartender."Ganun ba?" parang disappointed ako.
"Puwede mo naman po itanong sa kanya sir," sabi niya.
"Ini-snob nga ako," natawa ako, "sayang ang ganda-gandang babae napa-isnabera."
![](https://img.wattpad.com/cover/192230236-288-k671337.jpg)
BINABASA MO ANG
Taming the Serial Killer
ActionBehind the beautiful face is a woman full of secrets. Meet Kylie Andrea Villareal, a successful make-up artist with a lot of dark---very dark secrets. Pero biglang magugulo ang mundo niya nang makilala niya si Ed Sebastian Figueroa, isang detective...