Sebastian's POV
HALOS buong gabi akong hindi nakatulog. Iniisip ko si Kylie. Kung bakit siya nagsisinungaling at kung bakit wala akong makitang fingerprints niya. Gusto kong isiping baka coincidence lang lahat to. Pero paano kung hindi? The fact na wala akong alam sa kanya.
Maaga ako pumasok kinabukasan. Gusto kong maging productive yung araw ko. Hindi yung puro kung anu-ano ang iniisip ko. Sakto namang pagdating ko, nag-mail si Penny na meeting sa conference room. Pero bago ako pumunta sa conference room, dumaan ako Crime Lab Chemistry department. Si Nikki pa lang ang nandoon.
"Morning, Nik," bati ko sa kanya.
"Alam kong may kailangan ka," sagot niya.
Natawa ako, "Okay, may na-encounter na ba kayong case ng Naegeli Syndrome?"
"Hmm, ano yun?"
"Absence of fingerprints?"
Kumunot ang noo niya, "Never heard of that, but I'll find something. I'll beep you up."
"Thanks, Nik," aali na sana ako pero hinawakan niya ako.
"Hep, hep, sandali."
"Bakit?"
"Ang lagkit ng tingin sa'yo ng kaibigan ko, ah, anong meron?" makiki-chismis lang pala.
"Wala, may girlfriend ako," I answered dryly. Teka, may girlfriend ba ako?
"Ay, ganun? Oh, sige, shuuu," pagtataboy niya sa akin.
Paglabas ko, dumiretso ako sa Conference room. Nagsimula na pala si Penny.
"So, ilang ulit kong ni-review yung CCTV footage doon sa bar. Akala ko nga wala na akong mapapala pero may nahagip sa footage na babae," paliwanag ni Penny. Pinindot niya yung remote niya at nilipat sa next slide yung presentation niya.
Naka-display doon ang isang babaeng nakatalikod na blonde at naka-bonnet.
"Is that a person of interest?" tanong ni Sir Fred.
"More likely our suspect," sagot ni Penny.
She played the video at kitang-kita ang galaw ng babae. Kung titingnan parang dumaan lang siya. Pero kung titingnan mabuti, halatang-halata na sinaksak niya si Samonte! Napanganga kami sa nakita namin.
"Wala bang ibang angle yung CCTV?" tanong ko.
"Meron, pero hindi siya nahagip sa ibang camera, mukhang magaling siyang umiwas," sagot ni Penny.
"Sandali," singit ni James, "Parang nakita ko yan eh. Yan yung babaeng kumatok sa kotse ko."
"Whoa, whoa, you didn't tell us about that," sabi ni Hadji.
"Well, akala ko random chick lang yon," depensa ni James.
"So, kumatok siya sa kotse mo nung nagbabantay ka kay Samonte. Anong nangyari?" tanong ko.
"Basta, kumatok siya. At wala na akong maalala. Parang nakatulog ako. Paggising ko, may mga ambulansya na."
"Idiot, malamang pinatulog ka nun dahil alam niyang nagbabantay ka sa biktima," galit na sabi ni Sir Fred.
Fuck, kung alam niyang nagbabantay si James kay Samonte nung araw na 'yon, ang tanong ay kung paano niya nalaman?
"Anong hitsura nung babae?" tanong ni Penny.
"Maganda. Matangkad. Mukhang foreigner, blue yung mata."
"Kilala ko na yung bartender doon, itatanong ko kung may nakita siyang foreigner nung gabing sinaksak si Samonte," sabi ko sa kanila.

BINABASA MO ANG
Taming the Serial Killer
ActieBehind the beautiful face is a woman full of secrets. Meet Kylie Andrea Villareal, a successful make-up artist with a lot of dark---very dark secrets. Pero biglang magugulo ang mundo niya nang makilala niya si Ed Sebastian Figueroa, isang detective...