Chapter 1

653 27 9
                                    

Sebastian's POV

"SO, the victim is Brent Alba," saad ng department head namin, "Died last night sa restroom ng isang sikat na Bar."

Tiningnan ko ang papel na hawak ko, "Stab wound and broken neck, huh," wika ko.

"Yes," sagot ng isang kasama ko, "Ang nakapagtataka, walang nakuhang finger prints sa murder weapon."

"How is that even possible?" tanong ko.

"Hindi natin alam," sagot ng head namin, "Isa lang ang masasabi ko, sa tingin ko, magaling ang criminal na 'to."

"We've dealt with a lot of other crimes," saad ko, "I'm sure mahuhuli natin ang gumawa nito," confident kong sabi.

"Of course, of course," wika ng head namin habang tumatango, "Dismiss."

Pagkalabas ko sa conference room namin, dumirestso ako ako sa cubicle ko. I immediately turned my computer on and searched about the victim.

"A notorious womanizer," wika ko sa sarili, "galing sa mayamang pamilya. Hmm, nothing unsual."

I searched, and searched but found nothing interesting. Ano bang ginawa ng taong 'to para patayin ng ganun-ganun na lang? Naalala ko ang bar kung saan siya pinatay. Naka-isip ako ng paraan para makakuha ng impormasyon.

PAGDATING KO SA BAR, dumiretso ako sa restroom. Restricted area parin, hindi na rin ako pumasok. Naisipan kong umupo muna sa counter at um-order.

"Tequila," sabi ko sa bartender.
"Coming right up, sir," sagot ng bartender.

Habang naka-upo ako at hinihintay ang drink ko, may umupong babae sa tabi ng inu-upuan ko. I immediately inhaled her feminine scent kaya napalingon ako. Umupo na siya ng naka di-kuwatro. She's not the usual na makikita mo sa mga bar na ang iikling suot. Instead, she's wearing a black tight jeans, black leather jacket and well, naka make-up. Napansin siguro niyang nakatingin ako sa kanya kaya napalingon siya sa gawi ko. Maganda pero mukhang suplada, sabi ko sa isip ko.

"Here's your tequila, sir," anunsyo nung bartender.

"Thanks," tipid kong tugon.

"Ma'am Andi, good evening po," bati nung bartender sa babae. So, Andi ang name niya?

"Hi," the woman greeted back with a soft, velvety voice, "the usual, please."

The usual? Siguro palagi tung tumatambay dito. Given na kilala siya ng bartender, baka nga madalas siya dito.

"One bloody mary, coming right up," sagot nung bartender sa babae.

After 2 minutes, naibigay na ang order nung babae. Mukhang close talaga sila ng bartender dahil nag-uusap sila.

"Okay na ba ang restroom?" tanong nung babae.

"Naku ma'am, restricted pa rin dahil doon sa nangyari," sagot nung bartender.

Tahimik parin ako, nakikinig ako sa kanila.
"Yeah," tugon nung babae, "I heard on the news."

Napabuntong-hininga ang bartender. "Nag-aalala nga ang boss namin, baka maka-apekto raw sa customers."

"Bakit, hindi pa ba nahuhuli ang may kagagawan?" tanong nung babae.

"Mukhang hindi pa raw po," sagot nung bartender.

"Madalas ba dito yung biktima?" tanong ko sa bartender. Napansin ko namang napatingin sa akin yung babae.

"Opo, sir, pero palagi sila doon sa VIP room," sagot niya sa akin.

"Sila?"

"Opo, sir," tugon ng bartender, "Magka-kaibigan po sila na madalas pumunta dito."

"Yung mga kaibigan ng biktima, pumunta na ba dito mula noong mangyari ang krimen?" tanong ko ulit.

Mukhang nagtataka na ang bartender sa dami ng tanong ko kaya naisipan kong magpakilala na lang. pinakita ko yung ID ko.

"Pasensya na hindi agad ako nagpakilala," depensa ko, "isa ako sa mga assigned sa kaso, I'm Detective Figueroa."

"Ayos lang po, sir," pormal na sagot ng bartender, "Tungkol naman po doon sa tanong niyo, hindi pa po nakapunta ulit dito yung mga kaibigan ng biktima magmula po noong nangyari ang krimen."

"Ganun ba?" napatingin ako sa relo ko, gabi nap ala, "SIge, babalik na lang ulit ako kung may iba pa akong kailangan impormasyon."

"Sige po, sir," tugon ng bartender.
Napansin kong nakatingin sa akin yung babae kaya sinalubong ko ang titig niya. Maganda, sabi ko ulit sa sarili ko. Ayoko ko namang magkatitigan kami buong magdamag kaya tumayo na ako at bago ako tuluyang maka-alis, kinindatan ko siya. Napa-roll eyes naman siya. Ang suplada, natawa ako sa isipan ko.

KYLIE's POV

Shit, Detective na assigned doon sa kaso ni Brent Alba? Medyo kinabahan ako doon. Pero hindi ako nagpahalata. Ang ikinagalit ko lang ay kinindatan ako nung detective. Ano naman yon? Ang feeling gwapo. Hindi porket nakatingin ako sa kanya, eh, intersado na ako. Duuh?

"Ma'am Andi, pasensya na," depensa nung bartender, "Na-istorbo po ang pag-uusap natin."

Yep, Andi ang ipinapakilala ko sa mga tao. "Okay lang," sagot ko, "mukhang kailangan nga niya ng impormasyon since hindi pa nahuhuli ang may gawa ng krimen."

"Oo nga," sang-ayon ng bartender, "Para mapadali ang paghuli doon sa criminal."

Kriminal talaga? At mapadali? Huh, goodluck sa kanila.
Inubos ko na ang inumin ko at nagpa-alam na ako sa bartender.

"mauuna na ako, gabi na," paalam ko.

"Mag-iingat po kayo Ma'am Andi." Tumango lang ako sa kanya.

Pagdating ko sa parking lot, kinuha ko ang helmet ko na nakasabit sa motorsiklo ko. Akmang isusuot ko na nang mapansin ko may naka-tingin sa akin. Yeah, ganun ako ka-alert. Nang lumingon ako nakita ko yung detective. The fuck? Ako ba sinusundan nito? Kinabahan ako. Pero hindi ako nagpahalata. Humihithit siya ng sigarilyo habang nakasandal sa kotse niya. Nakatingin parin siya sa akin. Isusuot ko na sana ang helmet ko nang bigla siyang naglakad patungo sa akin.

"You drive this?" tanong niya habang tinatapakan ang natirang sigarilyo niya.

I rolled my eyes, "May kailangan ka ba?"

The man chuckled. "Ang suplada," naglahad siya ng kamay niya, "I'm Sebastian."

So? Tinaasan ko siya ng kilay. "That doesn't answer my question," I said in a not-so-mean manner.

The man smirked. "Nice to meet you, too, Andi." He winked at me and walked away. I watched him as he drove away.

Pinaglalaruan ba ako ng taong yun? Kilala ba niya ako? Damn it. If he wants to play with me, I'll show him how to fucking do it. Kinuyom ko ang kamao ko.

When I reached my fortress, I parked my motorcycle. Agad akong nag-shower at nagbihis ng komportableng damit. Nang matapos ako, pumunta ako sa security room ko. Yeah, I have my own security room, to keep myself and my place safe. Although nasa gitna ng kagubatan ang bahay ko, I have to make sure. Isa pa, I prefer peace. I double checked to make my security devices are activated before going to my personal computer.

"Detective Sebastian Figueroa," I mumbled as I typed in the search bar, "Gotcha."

"So, the name is Ed Sebastian Velez Figueroa," I said coldly.

Medyo mahaba-haba rin ang information ng taong 'to. At magaling siya sa trabaho niya dahil marami siyang accomplishments at the age of 30. But what caught me was his skills.

"Hand-to-hand combat expert, black belter, sniper...hmm," so may ibubuga pala ang taong to.






Note: Unedited. Sorry for the errors.



Oh, by the way, yung babae sa cover si Phoebe Tonkin yan. 😊

Taming the Serial KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon