Chapter 20

337 13 0
                                    


Kylie's POV


"KITANG-kita ko kung paano nila pinagsamantalahan at pinatay ang mommy ko sa harap ng dad ko. Kitang-kita ng dalawang mata ko kung niyakap ni dad si mommy hanggang sa mawalan na rin ng hininga si dad.

Alam mo ba kung gaano ka sakit 'yon? Akala ko nga magiging okay ako kung kahit isa sa kanila mapatay ko rin eh, akala ko magiging okay ako kapag nakaganti ako, pero mali ako. The pain and emptiness is still here," tinuro ko ang dibdib ko.

"Let me tell you what really happened 12 years ago, Sebastian."

"Ky, no. Stop---"

"No, you need to hear this; I don't you jumping into conclusions. Yeah, I killed them, but I don't want you misjudging me."

FLASHBACK

July 22, 2007

"Handa na ba lahat ng gamit mo? Tanong ni mommy.

Magbabakasyon kami ng mga classmates ko kasi baka pag nag-college kami magiging busy na kami at hindi na kami magkita.

"Yes," sagot ko habang sinusuot ang cardigan ko.

"Mag-iingat ka doon ha?" hinalikan ako ni mom sa buhok.

"My god, mom. Malaki na ako, huwag ka ng mag-alala, kaya ko ang sarili ko," pagsisigurado ko sa kanya.

"Sige, mango-grocery si Criselda, sumabay ka na sa kanya."

"Nope, magta-taxi na lang ako papunta kina Cathy," tanggi ko, "Baka ma traffic pa, matagalan bago maka-uwi si Mama Criselda.

"Oh, sige, ikaw ang bahala."

"Si dad?"

"Busy, nasa study room."

"Oh, I'll just kiss him goodbye, then."

Tumango si mommy at lumabas na ako ng kuwarto ko at pumunta sa study room.

Kumatok ako, "Dad?"

"Come in," sagot ni dad.

"Dad, alis na ako," sabi ko sabay halik sa pisngi ni dad.

"Okay, take care, princess," sabi niya pero nasa mga papeles pa rin nakatingin.

"I will."

"Allowance mo?"

Tinapik ko ang sling bag na dala ko. Tumango si dad.

"Do call us kung may kailangan ka ha? Love you."

"Love you, too, dad." I waved my hand.

Paglabas ko, nagpa-alam ulit ako kay mama saka ako umalis.

Malayo na ako ng maalala kong magte-text pala ako kay Cathy. Pagtingin ko sa bag ko, wala pala ang cellphone ko? Shit. Naiwan ko yata sa bahay.

"Manong, balik tayo. May naiwan ako, eh." Tumango lang ang driver.

PAGDATING ko sa may gate namin, napansin kong may nakaparadang kotse. Kilala ko 'to. Kotse to ni Kevin Valderama, yung makulit na manliligaw ko. Ano na naman kaya ang ginagawa nito?

Hindi ko 'yon gusto, masyadong mayabang at abusado. Kasama pa niya yung mga kaibigan niyang mayayabang rin. Tuwing lumalapit siya sa akin, palagi ko siyang ini-snob. Ang bobo na nga, mayabang pa. ano kung mayaman siya? Bastos naman siya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko siyang binasted.

Taming the Serial KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon