Chapter 17

359 17 2
                                    


Sebastian's POV


NAGISING akong wala si Kylie sa tabi ko. Nilibot ko ng tingin ang buong kuwarto niya pero wala siya. Tiningnan ko ang nakasabit na wall clock, it's 2:38AM. Saan naman siya pupunta ng ganitong oras?

Bumangon ako at tiningnan sa banyo, wala. Lumabas ako ng kuwarto niya, wala rin siya sa kusina at sala. Nasaan ba 'yon? Napako ang tingin ko sa pinto ng beauty room niya. Ano namang gagawin niya diyan eh, madaling araw pa?

Gusto kong pasukin. Pero paano kung pagpasok ko nandiyan siya? Anong saabihin ko sa kanya? Ah, bahala na. Hindi na ako kumatok. Pagpasok ko nakabukas ang ilaw. Pero wala rin siya, nasaan ba yon? Nilibot ko ang tingin ko. Wow. So, this is what a beauty room looks like.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Hindi naman ako babae pero naa-amaze ako. Siguro dahil sobra arranged ng mga bagay na nandito? Napansin kong nakabukas ang ilang drawers doon.

"Sebastian?" Susme, muntik na akong mapalundag sa sobrang gulat.

"Ky," bakit ang hilig niyang manggulat?

"Anong ginagawa mo diyan?"

"Nagising kasi ako na wala ka sa tabi ko kaya hinanap kita," paliwanag ko, "Saan ka galing?"

"Uh, lumabas ako. Nagutom kasi ako kaya bumili ako ng pagkain," tiningnan ko ang dala niya.

"Dapat ginising mo ako para sabay tayo."

Ang totoo, nag-aalala ako. Baka may ginawa na naman siya. Paano kung pinatay na siya si Ty? O kaya si Valderama? Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa kaya bahagyang tumaas ang kilay niya.

"Bakit?" tanong niya.

Umiling ako, "Ayoko ko lang na lumalabas na ng ganitong oras ng walang kasama."

"Sorry," she replied looking at the floor.

I'm not really sure kung maniniwala ako sa kanya. Paano kung may iba pa siyang ginawa? Nag-aalala ako sa kanya---pero mas nag-aalala ako sa kung anong puwede niyang gawin. Sa mga nagawa kasi niya, alam kong kaya niya ang sarili niya.

Taming the Serial KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon