Sebastian's POV
NANG ma-track ko ang location ni Kylie, akala ko magsisinungaling na naman siya. Mabuti na lang at nagsabi siya nagtotoo. Pero bakit parang out of nowhere yung location ng bahay niya?
Nag-text rin siya na hihintayin niya ako sa hi-way. Kinakabahan ako sa kanya, eh. Bahala na. Bago ako umalis, pumunta muna ako sa isang restaurant para mag take-out ng pagkain since nagsabi ako ako kay Ky na magdadala ako ng pagkain.
Pagdating doon sa hi-way na sinasabi niya, agad kong nakita si Kylie. Ngumiti siya sa akin. Tanginang ngiti yan, oh, parang nawawala lahat ng doubts at disappointments ko dahil sa ngiti na 'yan. Oo na, marupok na ako.
"Hi," bati niya sa akin nang makasakay na siya sa kotse ko.
"Hey," hinalikan ko siya sa pisngi. Damn, she smells so good.
Tinuro niya sa akin yung daan papasok. So, nasa kalagitnaan pala talaga ng gubat ang bahay niya.
"Wala ka naman sigurong lahi ng aswang, no?" biro ko sa kanya.
Natawa siya, "bakit, mukha ba akong aswang?"
"Hindi, pero itong location ng bahay mo, ito yung napapanood ko sa mga pelikula."
"Are you scared?" she asked, while grinning ear to ear.
Napalunok ako, "Nope."
"Really?" tumawa siya, parang musika sa pandinig yung tawa niya, "Huwag kang mag-alala, hindi ako aswang."
Sasagot pa sana ako pero nakarating na kami sa harap ng isang malaking bahay.
"Wow," I asked with awe, "This is your house?"
Tumango siya.
"This is literally a fortress," I commented while roaming my eyes, "Ikaw lang mag-isa dito?"
"Sa ngayon, ako na lang mula noong mamatay si Mama Criselda," nagbaba siya ng tingin.
Sino ba 'tong Mama Criselda na tinutukoy niya?
"I'm sorry," hinawakan ko ang kamay niya.
"It's okay, tara pasok na tayo."
"You have a taste," I commented, "unlike any other woman."
"Well, me being a woman does not measure my tastes," she replied with a smirk.
"Of course, because you're not a usual woman," I replied looking directly to her eyes.
"I'm hungry," she remarked.
Tumawa ako, "Sige kain muna tayo."
"I brought four take out dishes. I hope you'll like them," sabi ko habang nilalapag sa dining table yung mga pagkain.
"And what are those?" tanong niya.
"Chicken Enchilados, Vietnamese Spring rolls, Kung Pao shrimp and Light fettuccine Alfredo," I answered her.
"Wow, thanks," nagsimula siyang kumain at pinagmamasdan ko siya, "What?"
Napangiti ako, "You're cute."
She rolled her eyes like she always do, "Ako lang ba kakain?"
"Mukhang kulang pa yan sa'yo eh," natatawang sagot ko.
"Oy, hindi na man, sige na kain ka na," yaya niya sa akin.
Hindi rin 'to masyadong gutom, eh. Haha.
BINABASA MO ANG
Taming the Serial Killer
AksiBehind the beautiful face is a woman full of secrets. Meet Kylie Andrea Villareal, a successful make-up artist with a lot of dark---very dark secrets. Pero biglang magugulo ang mundo niya nang makilala niya si Ed Sebastian Figueroa, isang detective...