Chapter 23

375 14 3
                                    

Sebastian's POV

Nagising ako ng wala si Kylie sa tabi ko. Hinanap ko siya at napadpad ako sa kusina.may nakadikit na note sa ref.

Kumain ka. May aasikasuhin lang ako.

Hindi ko alam kung bakit, pero kinabahan ako. Hindi ko naman siya pakiki-alaman eh, ayoko lang na mahuli siya. Tinawagan ko siya pero narinig kong tumunog ang phone niya.

Smart, she knew I would track her. Pumasok ako doon sa kuwarto kung saan may mga nakita akong pictures dati. Baka sakaling may Makita ako.

Pagpasok ko, agad akong lumapit doon sa board kung saan nakadikit ang mga pictures. Nakita kong may mga nakasulat na address doon. Marked as 'current location'. Napansin kong pareho ng subdivision na tinitirhan si Samonte at Valderama. Wala kong inaksayang panahon at agad akong umalis para puntahan ang subdivision na 'yon.

Hindi pa sana ako papapasukin ng guard kung hindi ko sinabing isa akong detective. Hindi naman ako nahirapang hanapin ang mismong bahay ni Valderama. Medyo nagulat lang ako dahil pagbaba ko sa may gate, tahimik ang bahay.

Nakabukas ang gate kaya pumasok na ako. Dire-diretso ang pasok at parang malalaglag ang panga ko sa nadatnan ko.

Kylie is stabbing Valderama! Nakabitin ito pabaliktad at maraming dugo sa sahig. Mukhang kanina pa yata may lumalabas na dugo mula kay Valderama. Hell, is she torturing him? Kinuha niya yung baril niya, at alam kong babarilin niya si Valderama kaya pinigilan ko siya.

"KYLIE, NO!"

Agad naman siyang lumingon sa gawi ko. I was struck by her icy glares. Hindi ko alam kong anong meron kapag ganito ang mga tingin niya. Lumalabas ang Kylie na hindi ko kilala.

She slowly raised her right arm that was holding a gun with silencer. And then she pulled the trigger while looking straight to my eyes. Valderama was hit at the center of his forehead. She shot Valderama while looking directly to my eyes! I never thought I'd see her like this. Her monstrous side, she looks scary.

"Sabi mo hindi mo na hihilingin na tumigil ako. Anong ginagawa mo dito?" she asked coldly.

"No, it's not like that, I just don't want you to get caught," I answered defensively.

"Don't worry, I won't get caught," she said calmly.

How can she stay so fucking calm after killing a man?

"Halika na, alis na tayo bago pa may makakita sa atin dito," yaya ko sa kanya.

"No," she refused.

Tiningnan ko at at nagulat akong nang dinikit niya sa ulo niya yung baril.

"Ky, that's not a good joke," I said raising my hand to get the gun.

"Ayokong madamay ka," she said and she started crying.

"Wala akong pakialam kung madamay ako. Halika na, aalis na tayo dito."

Akala ko makikinig siya pero ang bilis ng pangyayari. Narinig ko nalang na pumutok yung baril at naBubuwal na si Kylie sa kinatatayuan niya.

"Ky, NO!"

Ang tanging nagawa ko lang ay saluhin siya.

"No, NO, No. Stay with me, baby, please," I said cupping her face.

Pero nakapikit na siya. Hindi ko mapigilang umiyak.

"God, No. please, please, Ky, wake up. Wake up, baby. Stay with me," pilit kong ginigising siya.

AFTER 30 minutes ng tumawag ako sa office namin, may mga dumating na pulis at ambulansya. Dumating rin sina Sir Fred.

Tulala lang ako at pilit na pina-process ng utak ko yung mga nangyari.

Taming the Serial KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon