Chapter 5

427 16 7
                                    


Sebastian's POV

SUMISIPOL pa ako papasok sa office namin. Good mood, pre? Hahah. Parang ganun na nga. Naka-upo ako sa swivel chair na nasa cubicle ko at isi-search ko n asana ang information ni Kylie nang biglang nag-vibrate ang phone ko. Meeting, now. Message galing sa department head namin. Tssk, panira ng moment. Hehe

Pagdating ko sa conference room namin, nandoon na sila. Si Penny yung IT Specialist namin na siya ring magpi-present ng kung ano mang meron ngayon. Si Sir Fred, Head namin, Si James at Hadji. Yep, lima lang kami sa department, Behavioral Analysis Unit. Our department uses behavioral analysis to assist criminal investigations, pero ni isang ebidensya wala kami laban sakung sino mang pumatay kay Alba at Montez.

"Magsimula kana, Penny," sabi nung head namin.

"Wala naman pong masyadong development, sir," panimula ni Penny, "pero may nakita pong make-up residue sa unang biktima, kay Alba."

"Malamang may makikita talagang make-up sa kanya since nasa bar siya nung panahong 'yon," singit ko, "at malamang kung sinu-sinong babae ang kasama noon bago mamatay."

"Ibigay mo sa Crime Lab para ma-analyze ang residue," sabi ng head namin.

"Actually sir, tapos na po," sagot ni Penny, "And we found out that the make-up brand is named Katerina. Kompleto rin po sila sa business permits at naka-pangalan po ito sa isang Criselda Asuncion."

"Masyadong broad pag nag-focus tayo diyan," sagot nung head namin.

"Kung may make-up residue siya, ibig sabihin may possibility na babae ang pumatay kay Alba?" tanong ni James.

"That's my point," sagot ni Penny.

"Paano naman ang kay Montez?", tanong ko, "Magka-iba kaya ang pumatay sa kanila?"

"Kaya nga humanap kayo ng criminal records nila," singit ni sir Fred, "Maaring doon muna tayo mag-focus."

"Okay, sir, ido-double check ko po ang criminal records nila."

"Dismiss," nauna siyang lumabas at sumunod kami.

Pagbalik ko sa cubicle ko, itinuloy ko ang dapat kong gawin kanina. I entered Kylie's fullname on the search bar, and to my surprise, there is only a very few information about her. Like, really? Our computers are programmed with network and information security. Nasi-search namin ang mg information na hindi accessible sa normal computers.

Name: Kylie Andrea A. Villareal

Age: 28

Height: 5'7

Weight: 55kg

Hair Color: Dark Brown

Graduated at De la Salle University with a Degree of BS in Computer Science Major in Information Systems

Parents: -

Siblings: -

Bakit ganito? Nagsalubong ang kilay ko.

"Hmm, baka hindi updated ang information niya," sabi ko sa sarili ko. I pulled my phone from my pocket and dialed her number. Yeah, kinuha ko ang number niya kanina nung hiniram ko ang phone niya. Naka-ilang ring pa bago sinagot.

"Do I know you?" Sagot sa kabilang linya. I smirked, ang suplada.

"Of course you know me, you slept comfortably in my bed last night," I grinned, ear to ear.

"Jerk, ano bang kailangan mo?" Tanong niya.

"Wala," bumuntong hininga ako, "Gusto ko lang marinig ang boses mo."

Taming the Serial KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon