Chapter 8

366 17 1
                                    

Sebastian's POV


Simula noong huling nagkita kami ni Kylie, hindi ko na siya ma-contact. Iniiwasan ba niya ako? Noong pumunta ako sa condo niya, wala ring tao. Nasaan ba siya? Nang hindi ko parin siya ma-contact, pumasok na lang ako sa conference room naming. Kanina pa pala sila nagsimula, tss.

"So, you're saying na hindi pa rin ma-trace yung tungkol sa kaso?" tanong ni Sir Fred kay Penny.

"Yes, sir," tumango si Penny, "At hindi ko rin Makita ang names nung pamilya na na-massacre, kahit death certificate wala."

"This is odd," sagot ni Sir Fred.

Hindi kami nagsalita lahat.

"Mas lalo akong nakukumbinsi na paghihiganti ang motibo nito," sabi ni Sir Fred.

"Kung paghihiganti ang motibo, ibig sabihin nasa panganib ang buhay ng tatlo pang kaibigan ni Alba," singit ko.

"We need to protect them in a way na hindi sila maa-alarma," sabi ni James.

"Penny, find them," utos ni Sir, "And Sebastian, ikaw na bahala kung sino sainyo ang isa-isang mag bantay sa kanila mula sa malayo."

"Yes, Sir."

Naunang lumabas ang head namin.

"Pen, paki-email nalang ng locations nila," sabi k okay Penny.

"Sure," tugon niya pero nagsalubong ang kilay niya ng tiningnan niya ako, "Hoy, ba't ang tamlay mo?"

"Okay lang ako," sagot ko habang nakatingin pa rin sa phone ko.

"May problema yan," singit ni Hadji.

"Oh, yung babaeng pinahanap mo sa akin?" tanong ni Penny.

"May pinahanap na babae sa'yo?" tanong ni James kay Penny.

I rolled my eyes, "Tumigil nga kayo."

Saglit silang tumahimik. Ilang minuto, nagtawanan sila. Ano bang nakakatawa?

"Naku pre, nagbibinata ang kaibigan natin," sabi ni Hadji kay James.

Wala ako sa mood makipagbiruan kaya lumabas ako ng conference room. Pagdating ko sa cubicle ko, tinawagan ko ulit si Kylie. Nabigla ako nung nag-ring. Naka-ilang ring rin bago siya sumagot.

"Ky?"

"Yeah," sagot niya sa kabilang linya.

"Where have you been? Hindi kita ma-contact ilang araw."

"May inasikaso lang ako," tipid niyang sagot. Parang matamlay ang boses niya.

"You okay? Parang ang tamlay ng boses mo."

"I...don't know," narinig kong bumuntong-hininga siya.

"Puwede ba tayong magkita bukas?"

"Okay," ang tipid niya sumagot.

"I'll come over."

Hindi na siya sumagot kaya pinatay ko na ang tawag. Bumuntong-hininga ako. Nagulat ako ng kinalabit ako ni Penny.

"Ano?" inis kong tanong sa kanya.

"Ay, sungit," tinawanan ako, "Na send ko na yung address nila."

"Okay, thanks."

Binasa ko muna ang mail ni Penny at nag-message ako kina Hadji at James. Si James ang na-assign kay Samonte at si Hadji kay Xander Ty.

Nang pauwi na ako, napag-desisyunan kong dumaan doon sa Bar kung saan madalas pumunta si Alba at yung mga kaibigan niya. Pagdating ko sa parking lot, hindi muna ako pumasok. Nagsindi ako ng sigarilyo at sumandal sa kotse ko. Nakaubos ako ng tatlong stick bago ako pumasok.

Taming the Serial KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon