Kabanata 2

20 4 0
                                    

“Bakit ka nandito, Ivon?” bungad sa kaniya ng kaniyang Lola Juana nang pagbuksan siya nito ng pinto. Hindi na siya nagsalita at agad sinalubong ng mahigpit na yakap ang kaniyang lola, ang tangi niyang kakampi. Hindi napigilan ni Ivon na humikbi. Sobrang sama ng loob niya sa ina dahil sa ginawa nito sa kaniya. Halos ayaw na nga niyang bumalik pa roon.

Agad namang hinagod ni Lola Juana ang likod ng apo. Puno ng pag-aalala ang kaniyang mukha, at iniisip kung ano nanaman ang nangyari rito.

“Shhh. Halika, apo, pumasok ka muna.” Hinigit siya nito sa may sala at pinaupo, habang tumungo naman ito ng kusina para maghanda ng meryenda at inumin. Mabilis din naman siyang bumalik kung nasaan si Ivon. Inalalayan niya ang nanginginig na kamay nito habang umiinom ng orange juice na paborito nito at patuloy pa rin siya sa paghagod ng likod ng dalaga. “Ano bang nangyari, a? Bakit ka umiiyak? Sabihin mo sa'kin.” malambing na pangungumbinsi ng matanda.

“S-sinampal po ako ni m-mama, lola.” pagsusumbong nito bago muling umiyak. Nagkasalubong ang kilay ng matanda. Kilala niya ang manugang niyang 'yon. Hindi ito basta basta mananakit kung walang magandang dahilan. Isa pa, alam naman niya na may pagkasama ang ugali nitong panganay niyang apo. “Ano bang ginawa mo, iha, at nagawa sa'yo 'yon ng mama mo?” Walang nakuhang sagot si Lola Juana. Pailing iling lang ang kaniyang apo at hindi umiimik.

Napabuntong hininga na lang siya at pinatahan ang apo. Ilang minuto rin itong nakayakap nang mahigpit dito. Bumalik na sa normal ang paghinga niya kaya naman inilayo ng matanda ang katawan sa dalaga. Napansin niya na nakapikit na ito ngunit sa kabila no'n ay 'di maipagkakaila ang namumugto nitong mga mata. Nakaramdaman ng awa si Lola Juana sa pinakamamahal na apo. Alam niya na may pagkakamali ito pero tingin niya ay medyo sumobra naman ang manugang sa kaniyang ginawa.

Dahil sa mahihirapan na matulog si Ivon sa upuan, napilitan si Lola Juana na tapikin nang paulit ulit ang apo sa pisngi para gisingin. Medyo nagmulat naman ito ng mata. Nagpapasalamat siya at hindi ito mahimbing kung matulog. Konting kibot o galaw lang ay nagigising agad ito. “Pumunta ka na sa kuwarto mo at do'n ka na magpahinga.” usal niya habang inaalalayan patayo ang apong babae.

Ang kuwartong tinutukoy ni Lola Juana ay walang iba kung 'di ang guest room. Dito nila pinapatuloy ang mga bisitang nakikitulog sa kanila, pero magmula ng mapadalas ang pananatili ni Ivon sa bahay na 'yon, napagdesisyunan na lang ni Lola Juana na gawin iyong kuwarto ng dalaga. May kaya naman ito sa buhay kaya may kalakihan ang kanilang bahay.

Inaantok na tumalima sa utos ng matanda si Ivon. Tinungo niya ang kaniyang kuwarto saka nagpahinga. Pinatungan na lang siya ng kumot ni Lola Juana saka hinalikan sa noo bago lumabas ng kuwarto.

Tahimik naman na bumalik sa sala ang matanda. Iniisip pa rin niya kung ano kaya ang masasabi ng kaniyang anak sa pangyayaring iyon. Lagi na lang kasing ganito. Gusto man niyang mapalapit si Ivon sa ina, parang hindi umaakma ang mga insidente na maisakatuparan ang bagay na iyon.

Napailing siya sa labis na panghihinayang.

“Sigurado ka ba talaga rito, Analyn?” bakas ang pangamba sa boses ng lalaki. Nag-angat ng tingin si Analyn saka napairap. Laging ganoon ang ginagawa niya tuwing naiinis siya kaya naman hindi na kataka-taka na agad nahalata ng lalaki na malapit na siyang bulyawan ng doktora. “Yes, Dutch, sigurado ako sa ginagawa 'ko.” sambit niya saka nagpatuloy sa pagkakalikot sa machine na binubuo.

“This is a big progress for science, Dr. Analyn! We could win a Nobel Prize award for this invention!” masiglang bulalas ni Dutch. Napabuntong bininga si Analyn at sinapo ang noo. Ayaw na ayaw niya sa lahat ang ganitong kadaldalan ng lalaki. Yes, she knows na bestfriend niya ito and that they should accept each other's flaws, but for God's sake! She needs peace when she's working!

Hindi na lamang niya pinansin ang pagsasalita ng kaibigan at nagpokus sa ginagawang imbensiyon. She's currently working on some special project. As one of the outstanding scientist of her generation, nakayanan niya bumuo ng isang machine na makakapagpabago sa lahat ng bagay. It took her a lot of years though, but no worries, it's all worth it.

“Hoy! Nakikinig ka ba?” hinawakan siya sa balikat ni Dutch at agad namang lumayo si Analyn. “What!?” iritadong sagot niya sa lalaki. Kanina pa siya nagtitimpi rito at konting konti na lang ay masasapak na niya ito.

Napakunot ang noo ni Dutch. “You're so ill-tempered.” komento pa niya kaya lalong tumaas ang lebel ng inis ng doktora. Hinarap siya nito at pumamaywang. “I'm a scientist, not your psychiatrist. Leave if you won't help me at all.” aniya sabay balik sa kaniyang pinagkakaabalahan. Napakamot na lang ng ulo si Dutch. Sa tagal nilang pagkakaibigan, nasanay na siya rito. Pero iba ngayon. Para bang napakahalaga ng dahilan ni Analyn kaya't buong atensiyon at oras niya ay inilalaan niya sa proyektong ito. Ang mas kakaiba pa ay ayaw ipaalam ng doktora ang proyektong ito. With this invention, they can have the glory and recognition they deserve! Pero hindi, Analyn won't cooperate. 'Di tulad noon, ang proyektong ginagawa nila ay hindi na para sa pagpapaunlad ng siyensa, kung 'di para na sa pansariling pakay ng kaibigan. Nangangamba si Dutch sa kakahantungan nito. Paano kung magkamali sila?

“Pass the screwdriver.” walang kagatol gatol na utos ni Analyn. Bumuntong hininga na lang si Dutch at iniabot sa kaibigan ang kinakailangang gamit. Mahinang 'thanks' lang ang narinig niya mula rito habang tutok na tutok pa rin sa ginagawa.

Ilang minuto pa ang nilaan ni Dr. Analyn para maiayos ang ilang parte ng machine bago siya tumayo at pinagpagan ang sarili. Marumi man ang damit, nangingibabaw ang ngiti ng doktora. Hinila niya ang kaibigan at sabay nilang pinagmasdan ang machine na nasa harapan nila.

“Look! I did it!” masayang sambit nito habang patalon talon na animo'y bata. “Wow, you really did...” halos hindi makapaniwalang usal ni Dutch. Nakatunganga lang siya sa machine na nasa harap nila habang nakaawang ang kaniyang bibig. Nakakamangha talaga ang kaibigan niya.

Lumawak ang ngiti ni Dr. Analyn habang nangilid naman ang kaniyang mga luha. Nagbabadya na itong pumatak ngunit pinigilan niya ang sarili. After all these years, she finally did it... Dr. Analyn finally made the first time travel machine.

Bukang LiwaywayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon