Kabanata 4

13 4 0
                                    

Napasinghap si Analyn nang matunton ang panahon na gusto niyang puntahan kasabay niyon ang pagsara ng portal na pinanggalingan niya.

Nilingon niya ang paligid at pinagmasdan itong mabuti. Tahimik ang lugar at napaliligiran ng mayayabong na mga puno. Sariwa rin ang hangin na kaniyang nalalanghap, kabaligtaran ng hangin sa panahong kinabibilangan niya. Nahagip ng kaniyang pandinig ang malakas na tawanan ng mga bata na noo'y abala sa paglalaro ng iba't-ibang larong pangkalye sa kabila ng pag-aagaw na ang liwanag at dilim. Hindi niya maiwasang mapangiti dahil doon sa kadahilanang bakas sa mga mukha ng mga paslit na 'yon ang kasiyahan. At alam niya na magkakaroon sila ng magandang alaala ng kanilang kabataan.

Naagaw lamang ang atensiyon niya nang mapansin ang mga dalawang babaeng nagtitinda ng mga inihaw. Ang isa ay may katabaan, maputi at medyo may edad na pero 'di ito nakasagabal para makita ang kagandahang tinataglay nito noong kabataan niya. Habang ang isa naman ay payat, may kaitiman at halatang estudyante pa. Agad niya silang namukhaan. Nagsimula nanamang maipon ang luha sa gilid ng kaniyang mga mata.

Hinanap niya ang karatula na magsasabi sa kaniya kung nasaang lugar ba siya, at hindi siya nagkamali. Firmeza Street.

Humigpit ang hawak niya sa strap ng bag na kalong kalong niya sa kaniyang likod. Ininspeksiyon ang pananamit upang masiguro na presentable siyang haharap sa kanila. Nag-ipon siya ng lakas na loob at malalaking hakbang ang ginawa palapit sa dalawa.

"Magandang gabi po. P'wede po ba magtanong?" Nag-angat ng tingin si Charity para masalubong ang tingin ng taong kumuha ng kaniyang pansin. Bumungad sa kaniya ang mukha ng isang dalaga na noo'y nakasuot ng simpleng maong na pantalon at puting t-shirt. Masama man ang loob dahil sa nangyari sa pagitan nila ng kaniyang panganay ay pinilit pa rin nito na magpaskil ng ngiti sa kaniyang mukha. "Sige lang, hija, ano ba 'yon?"

Nagpakawala ng ngiti ang dalaga. Noon lang napansin ni Charity ang kagandahang taglay ng bata, na lalo pang lumitaw dahil sa kaniyang maputi at makinis na balat, pati na rin ang kaniyang may katangusang ilong. Alam niya na kung nakatira 'yon sa lugar nila ay paniguradong maraming binatang manliligaw dito. "Gusto 'ko lang po sana magtanong kung may alam po kayong paupahan sa Amelia Street po? Nasabi po kasi sa'kin ng kaibigan 'ko na mayro'n daw pong bakanteng paupahan doon. Kakaluwas 'ko lang po galing probinsya at ngayon lang po ako napadpad dito kaya pagpasensiyahan niyo na po kung nakakaabala ako."

Sa loob loob niya ay nakahinga nang maluwag si Analyn. Hindi siya sanay magsinungaling dahil lumaki siya na pinapangaralan palagi. She was a good child. Ni minsan, 'di rin siya na-guidance for bad behavior. She was a consistent honor student. In short, she have a good reputation. Pero aaminin niya na hindi siya santo. Kahit noong bata pa siya ay nagsisinungaling din siya paminsan minsan sa kaniyang mga magulang o sa ibang tao man. Ayaw man niyang magsinungaling ngayon, kailangan niya pa ring gawin alang alang sa tagumpay ng plano niya. She didn't go back to 1998 for nothing.

Nag-isip ang matanda ng ilang segundo bago magsalita muli. "Mayro'n naman, hija. Kaso pagpasensiyahan mo na't 'di 'ko alam kung sa'n banda sa'min ang may bakante. Pero nakakasiguro naman ako na may mauupahan ka roon kaya 'wag kang mag-alala." Nginitian niya ito't tumango saka mabilis na nagpasalamat. Paalis na sana siya nang dumako ang tingin niya sa dalagang kasama nito. Pakiramdam niya ay natulos siya sa kinatatayuan niya ng mga sandaling 'yon.

Kitang kita niya ang kakaibang ganda ng dalaga. May hanggang balikat itong mala-kapeng buhok, na pinusod at nilagyan ng iba't-ibang klase ng palamuti. Tila kumikinang din ang maliit ngunit malinaw na mga mata nito, na ang kulay ay tulad ng kaniyang buhok. At 'di tulad niya, nakasuot ito ng spaghetti at naka-short. Kapansin pansin din ang make up na nilagay nito sa kaniyang mukha na lihim niyang ikinangiti.

Abala ang babae sa pagtutuhog ng barbecue sa mga stick. May pagkamangha siyang tinitignan ni Analyn dahil sa bilis at liksi nitong kumilos. Alam niya agad na sanay na ito sa kaniyang ginagawa.

Tumikhim siya saka nagsalita. "Pabili nga po ng hotdog." Nilingon naman ni Aling Charity ang anak. "Mahalia, asikasuhin mo muna siya. Magbalat ka ng hotdog at isalang mo sa ihawan. Ako muna ang gagawa niyan at sumasakit ang likod 'ko. Iba na talaga 'pag tumatanda, Diyos 'ko po."

Walang imik na tumalima ang babae. Habang pinagsisilbihan siya nito ay tahimik lamang siyang pinagmamasdan ni Analyn. Pumaskil ang isang mapait na ngiti sa kaniyang mukha.

Nabalik lamang siya sa wisyo nang maulilinigan ang boses ng matandang babae. "Hija, ayos ka lang ba?" Napakurap-kurap siya. 'Di niya namalayan na masyado na pala siyang natulala. "Okay lang po ako, 'Nay."

Tumango ito. "Sige, hija. Kung 'di mo mamasamain, tatanungin sana kita kung bakit ka napadayo rito." Tipid na ngumiti si Analyn. "Lumuwas po akong probinsya para po sana magtrabaho. Sabi po sa'kin ng kaibigan 'ko, marami raw pong oportunidad dito. Kahit papaano naman daw po, magkakapera ako. Hindi rin naman po kasi ako magtatagal dito. Aalis po ako 'pag nakaipon na po ako ng sapat na pera."

"Ay, gano'n ba? Tama ang kaibigan mo, hija, pero mahirap ang buhay dito lalo na kung nag-iisa ka. At sa'n ka naman pupunta 'pag nakapag-ipon ka na?"

"Balak 'ko pong pumunta sa ibang bansa. Sa Japan po, to be exact. Pangarap 'ko po kasing pumunta roon." Natawa si Aling Charity. "Parehas pala kayo ng anak 'ko. Gusto rin nitong pumunta sa Japan, e." Sinilip niya ang dalaga sa gilid ng kaniyang mga mata. Tahimik pa rin itong nag-iihaw na animo'y walang naririnig. "Kahit ako rin, hija, pinangarap 'ko mag-Japan. Kaso nga lang ay maaga akong nabuntis sa panganay 'ko kaya naman kinailangan 'kong kalimutan 'yong pangarap 'kong 'yon at buhayin ang mga 'to. Sa awa ng Diyos, nasa high school na silang tatlo. At itong si Mahalia, alam 'kong siya ang tutupad ng pangarap 'ko."

Bukang LiwaywayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon