Labis na galak ng nararamdaman ni Analyn ngayon. Hindi lang dahil natapos niya nang mag-isa ang proyektong pinagkaabalahan ng ilang taon, kung 'di may kakayahan na siyang itama ang lahat.
Pumatak ang luhang kanina pa niyang pinipigilang bumagsak. Wala siyang ibang nagawa kung 'di suminghot singhot lalo pa't unti-unting nababara ang kaniyang ilong nang magtuloy tuloy ng pagragasa ng mga ito.
Naramdaman niya ang pagdampi ng palad ni Dutch sa kaniyang balikat. Tipid siyang napangiti sa kabila ng pagluha. Dutch is her guy bestfriend. Kilalang kilala na niya ito at nakasanayan na nila ng isa't-isa. One thing she knows about him is that he's not good at comforting. Mataas ang IQ nito pero kinulang ata sa EQ. His flaw is he's emotionally detached. Hindi niya napapansin na minsan nakakasakit na siya dahil sa sinasabi o ginagawa niya. He would only notice it once you point it out for him. Yet, she still appreciates his effort in consoling her. She knew it must be tough for him.
“You know, when you're trying to comfort someone, it's advisable that you give some words of encouragement.” Pabiro niyang pasaring sa matalik na kaibigan. Napangiwi naman ang lalaki. “You know that I'm the worst when it comes to that aspect. I would only cause more pain instead of comfort.” Mahina siyang natawa. Tama naman siya. Siguro ito rin ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin itong long-term girlfriend. Nagkakaroon naman ito ng mga kasintahan pero sadyang 'di lang nagtatagal for some reason she decided not to pry on.
“That's okay. That was very brave of you.” She's referring to his act of reaching out to her when he saw her shed some tears. “No problem, mi amigo.”
Dumako muli ang tingin niya sa time travel machine. Narinig niya ang malalim na pagbuntong hininga ng kaibigan. “You're still going to do it?” Tila wala siyang boses para magsalita kaya't tanging tango lang ang naisagot niya rito. “It's dangerous, Analyn.”
“And my name is Dr. Analyn Alejandro.”
Kumunot ang noo ni Dutch. “Ano'ng pinapalabas mo?” Nilingon niya ang lalaki saka ngumiti. “Alam mong 'di ako susunod kahit anong pigil mo sa'kin. I made up my mind. Gagawin 'ko 'to whether or not you agree in my decision. Kilala mo ako, Dutch, matigas ang ulo 'ko. Pukpokin mo man ako gamit ang pinakamalaking bato sa mundo, 'di pa rin ako matitinag.” Nag-iwas siya ng tingin. “Isa pa, para ito sa kaniya. Mahal 'ko siya, Dutch. At dahil sa pagmamahal na 'yon, I'm willing to sacrifice everything... kahit sarili 'ko pa 'yan, maibalik 'ko lang 'yong ngiti sa mga labi niya.”
Ilang minutong tumikom ang bibig ng dalawa at hinayaang mamayani ang katahimikan sa kanila.
“Are you sure that this won't fail? You know the consequences. This won't only affect you. A lot of people will suffer in your behalf. Lalo pa 'pag nalaman ng organisasyon ang ginagawa mo—” Hinarang niya sa labi nito ang hintuturo niya bilang hudyat na manahimik ito. “You trust me?” Walang pag-aalinlangang tumango ito. Nanlambot ang ekspresiyon ng kaniyang mukha at sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. “The organization won't know if no one will tell them. This machine is a dark secret between us. I made sure of it. Also, I know the weight of the responsibility once I enter the portal, but am I reckless?” Umiling si Dutch. “Am I a critical thinker?” Sumang-ayon ito. “Then, you won't have to worry. I won't act out of impulse. You have my word.” Aniya saka marahang tinanggal ang kaniyang daliri sa labi nito.
Doon niya napansin na nangingilid na ang mga luha nito. She panicked. Inisip niya na nasaktan niya 'to nang 'di namamalayan. Dutch isn't a crybaby. Hindi ito basta bast iiyak. Umiiyak lang 'to kapag nasaktan siya physically sa kadahilanang mababa ang pain tolerance ng lalaki.
Natigil lamang siya sa pag-i--inspeksiyon dito nang maulilinigan ang sinambit nito. “You're going home, right?” Naramdam niya ang pagkirot ng dibdib pero pinilit niyang iwaksi iyon at pinanatili ang ngiti sa mukha niya para pagaanin ang kalooban ng kaibigan.
“Oo naman. Sinong mag-aalaga sa'yo if wala ako? Ang balahura mo pa naman.” Komento niya saka napapalatak. Pero 'di nagbago ang malungkot na ekspresiyon ng kaibigan. “I mean it, Analyn. You will, no, you must go home alive, okay?” Hinawakan pa nito ang magkabilang pisngi niya para bigyang diin ang bawat salitang inusal niya. Higit na bumigat ang pakiramdam ng dalaga ngunit nakakuha pa rin siya nang lakas para yakapin si Dutch nang mahigpit at sumang-ayon dito na tumagal din ng ilang minuto.
Nang maghiwalay sila ay napatitig nanaman sa kaniya ang binata. “Will you try it now? Kakagawa mo pa lang d'yan. Is it already safe?” Sunod sunod na tanong nito sa kaniya na animo'y isang paslit. “Yes, it's safe. Na-test 'ko na 'yan kanina. And I made sure na perfect ang blueprint na ginawa 'ko to avoid any damages.”
“Ano'ng taon ka pupunta?”
Bumakas ang saya sa mukha nito saka binuka ang bibig para magsalita. “1998.”
“Bakit 'yan?” Tumingala siya sa kisame bago binalik ang atensiyon dito. “It's an important year. Do'n magsisimula ang kalbaryo niya. I need to change their fate.”
Lumayo siya sa kaibigan at lumapit sa imbensiyon. Napuno ng pagkamangha at saya ang mga mata niya ngunit 'di pa rin nito maikubli ang pangamba na nakabalot sa puso niya.
Sinaksak niya 'yon at hinawakan ang maliit na remote nito. Ito ang magbibigay kontrol sa kaniya na buksn at isara ang portal ng time travel machine.
Nilingon niya sa Dutch. Binigyan siya nito ng malungkot na ngiti at inabot ang malaking bag na itinabi niya sa silid na 'yon sa sandaling matapos niya ang proyektong ito. “Ingatan mo sarili mo, a. Medyo tanga ka pa naman.”
Hindi naiwasan ni Analyn ang mapairap. “Ungas ka talaga.” Pero kalaunan ay napangiti rin. Mami-miss niya 'to.
Tinignan niya ang buong paligid, bumuntong hininga saka binuksan ang portal. Malalaking hakbang ang ginawa niya. Sa sandaling 'yon, tumulo ang luhang kanina pang nagbabadyang bumagsak kasabay ng patuloy niyang pagsariwa ng mga alaala ng hinaharap habang naglalakbay siya patungo sa nakaraan—sa panahon kung sa'n 'di naman talaga siya nabibilang.
![](https://img.wattpad.com/cover/192451601-288-k702542.jpg)
BINABASA MO ANG
Bukang Liwayway
General FictionSa mundo kung saan pinagtuunan ng labis na atensiyon, oras at pondo ang pagpapaunlad ng teknolohiya, nabuo ang isang kilala ngunit 'di lubos maisip na maisasakatuparang time travel machine. At ang nakagawa nito ay walang iba kung 'di si Dr. Analyn A...