Kabanata 5

9 4 0
                                    

Tumagal ang pag-uusap ni Analyn at ni Aling Charity. Mukha itong masungit dahil sa kaniyang malaking mga mata at naka-arkong mga kilay pero kung makakausap mo ito ay sadyang napakabait niya. Ngunit alam din niya na malalang bersyon ito kaysa sa nakilala niya. Nagpapasalamat siya at may pagkakataon na siyang makilala ang mga taong mahalaga sa kaniya noong kabataan nila, noong panahon na 'di pa siya isinisilang.

Binagsak niya ang katawan sa malambot na kamang kakabili lang niya. Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Aling Charity, agad siyang nagtungo sa Amelia Street para maghanap ng bahay na mauupahan pansamantala habang 'di pa niya nagagawa ang pakay. Pinili niya rin ang lugar na 'yon para maging malapit sa dalawa. Mabuti na lang at nakahanap agad siya ng mare-rentahan. Mababa lang naman ang bayad lalo pa't iba ang value ng pera sa panahong 'yon kaysa sa panahong kinabibilangan niya. Nakakuha siya ng pera mula sa mga alahas na sinangla niya malapit sa lugar. Hindi naman niya kasi p'wedeng gamitin dito ang salapi ng hinaharap. Magtataka ang tao. Worse, baka pagkamalan pa siyang namemeke ng pera at ipakulong. Masisira ang pakay niya.

Napabuntong hininga siya at pinikit ang mga mata. Ilang minuto rin ang nakalipas bago niya napagdesisyunan na tumayo para ayusin ang mga gamit niya.

Kinuha niya ang backpack na dinala niya at hinalungkat ang laman nito. Nakuha niya ang ilang bote ng shampoo at toothpaste, kabilang na rin ang ilang tuwalya at mga damit. Simple lang ang mga binitbit niya para maiwasan ang pagtataka ng ibang tao. Malamang ay 'di pa nila na-e-encounter ang karamihan sa mga damit na mayroon siya.

Marahan siyang tumayo at kinuha ang ilang cup noodles at canned goods na magsisilbing pantawid gutom niya. Napailing siya. Alam ni Analyn na hindi sapat ang mga ito para sa kaniya, hindi rin maaari na ganitong klase lamang ng pagkain ang kakainin niya dahil tiyak na magkakasakit siya. Pero sa ngayon, ito na muna ang pagtitiyagaan niya.

Mabilis naman niyang naayos ang mga gamit niya sa loob ng bahay kung kaya't pagkatapos nito ay agad siyang nakaramdam ng gutom. Lumingon siya sa bintana at sinilip ang langit. Masyado nang madilim. Malamang ay tambak nanaman ng mga tambay sa labas.

Biglang kumulo ang kaniyang tiyan, dahilan para mapakagat siya sa kaniyang pang-ibabang labi. Gutom na talaga ako. Agad na kinuha ng dalaga ang yellow na jacket para isuot at sinigurong dala ang kaniyang wallet bago nagdesisyon na lumabas.

Bumungad sa kaniya ang maingay na paligid sa kabila ng halos dis-oras na ng gabi. Kahit na maliit na eskinita lamang ito ay napaliligiran naman ito ng mga poste ng ilaw, na kahit papaano ay nagpagaan ng kaniyang loob at nagpaibsan ng kaniyang takot. She really hates such place. Hindi dahil para itong 'squaters' area' kung 'di dahil 'di siya sanay na makisalamuha sa ibang tao. She grew up being an introvert. Nasanay siyang nag-iisa at nasa isang sulok lang. 'Di tulad ng iba, lumaki siya na sanay mag-isa at mas pinapahalagahan ang katahimikan. Interacting with other people drains her so much. Kung p'wede nga lang ay magkukulong lang siya sa bahay para magbasa ng libro o 'di kaya ay matulog buong maghapon. Pero heto siya ngayon, lumabas ng malalim na ang gabi at bumibili sa tindahan para pawiin ang gutom. "Pabili po ng mainit na tubig at isang malaking coke po." Aniya habang naghahalungkat sa kaniyang wallet ng pera na ibabayad. "May bote ka ba?"

"Wala po." Tipid niyang sagot at nilingon ang paligid. Gabi na pero parang umaga pa rin para sa mga taong taga-roon dahil sa patuloy nilang pagvi-videoke at pagsusugal. May napansin din siyang lamay malapit sa poso. Pamilyar ang lugar na pinaglalamayan na yaon. Mapait siyang napangiti. "Ito na, o. Dahan dahan lang at masyadong mainit 'yang tubig." Natuon ang atensiyon niya sa tindera at agad niyang ipinatong sa maliit na parisukat ma kahoy ang pambayad. "Salamat po."

Maingat niyang kinuha ang mga pinamili saka naglakad pabalik sa inuupahang bahay. Mabuti na lamang at maliwanag sa dinadaan niya kaya't mabilis niyang natunton ang bahay. Bago pa lang naman kasi siya rito kaya't kailangan niya pa tandaan ang direksyon pabalik sa bahay sa sandaling umalis siya. Isa pa, dahil sa dami ng tao ay napuno ng kalat ang lugar. May balat pa nga ng saging na noo'y muntik nang maging dahilan ng pagkatalisod niya, mabuti na lamang at naiwasan niya ito agad kung 'di tiyak na puno ng lapnos ang balat niya dahil sa mainit na tubig na dala-dala.

Nasa tapat na siya ng gate ng bahay nang maalala na nakalimutan niya ang susi na binigay sa kaniya ng landlord. Napamura siya sa isip. Nakatayo lamang siya roon at nag-iisip ng paraan kung paano makakapasok. Nagulat na lamang siya ng lumapit ang isang matangkad na lalaki, na sa tingin niya ay nasa edad bente anyos na. Kumatok ito nang malakas at sumigaw. "'Nay! 'Nay!" Malalim ang boses na sigaw nito. Napalunok siya nang wala sa oras. Ilang minuto lang ang kaniyang binilang at naulilinigan niya ang ingay na dulot na pagbukas ng gate. "Diyos mio marimar, Isaiah! Ano bang problema mo at ang lakas ng pagkalabog mo sa gate natin?! 'Di mo ba pansin na hating gabi na?! Natutulog na ang mga kapitbahay!" Salubong ang kilay at bakas sa mukha nito ang matinding inis para sa binata. Ngunit 'di ito inalintana ng lalaki. "Naiwan ata nitong bagong tenant 'yong susi niya kaya pinabuksan 'ko 'to, 'Nay." Aniya, dahilan para lumipat sa kaniya ang tingin ng matanda. Lumambot ang ekspresiyon nito at binigyan siya ng ngiti. "Ay, hija, nakalimutan mo ang susi na binigay 'ko sa'yo kanina?"

Nahihiya siyang tumango. "Pasensya na po. Bago lang po kasi ako rito at may pinagkakaabalahan lang po kaya nakalimutan 'ko po dalhin 'yong susi. 'Di na po 'to mauulit, pasensya na po talaga sa aberya." Bumuntong hininga ang matanda at inakay siya papasok. "Sige, hija. Hayaan mo na 'yon. Basta sa susunod ay 'wag mo na 'yong iwan. Lalo pa't gabi na. Maganda ka pa namang bata, baka mapaano ka rito. Diyos 'ko po..."

Walang imik siyang sumunod dito at panandaliang nilingon ang binatang tumulong sa kaniya. Nahigit niya ang hininga nang makita na tinititigan siya nito nang mabuti, dahilan para bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Ayaw na ayaw niya talagang tinititigan siya ng ibang tao. Natataranta siya tuwing nangyayari 'yon. Sa kabutihang palad, mabilis din itong nag-iwas ng tingin at naglakad palayo. Naiwan si Analyn na gulong-gulo at namumula sa sobrang kaba.

Bukang LiwaywayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon