Prologue

4K 188 34
                                    

Third Person's POV.

Pagkatapos ng biglaang pagsabi ni Jessica ng kagustuhan niya na pumunta sa Pilipinas hindi maiwasan ni Nanay Fe na isipin eto.

"Jess paano nga kaya kung bumalik na tayo sa Pilipinas." Sabi ni Nanay Fe sa asawa neto.

"Ano bang pinagsasabi mo Fe, hindi tayo pwede umuwi sa Pilipinas, marami ang nakakakilala kay Jessica dati siyang artista baka nakakalimutan mo, makakasama yun sakanya."

"Pero pano kung yun ang kailangan niya, hindi mo ba nakikita? Nahihirapan siya sa buhay niya Jess hindi siya masaya, wala ka ngang kahit anong emosyon na makikita sakanya."

"Ang mahalaga buhay ang anak natin Fe, yun naman talaga ang mahalaga diba."

"Buhay siya sa puro kasinungalingan, paano kung yung katotohanan ang magpapasaya sakanya, nahihirapan na ako Tay."

"Nahihirapan na ako na makita siyang ganyan."

"Puno ng tanong ang mga mata, hindi ka ba sakanya na aawa, meron siyang pamilya."

Napatayo si Tatay Jess .

"Tumigil ka Fe, wala siyang pamilya, wala siyang anak, hindi mo ba nakikita pagkakataon na to para maituwid siya, meron na siyang kasintahan, yung lalake." Tumaas ang tono ng pananalita neto.

"Wala na siyang kasintahan, naghiwalay palang sila, pang ilan niya na ba yan pang apat? pang lima? Pero ano wala diba nakakalimutan niya na nga mga pangalan ng mga tao na pinapakilala mo sakanya, kailan mo ba siya bibigyan ng kalayaan?"

"Isa pa maituwid siya Jess? Bakit mali ba na magmahal siya ng babae yun ba ang tingin mo? So si Mafe kailangan din ituwid?Ano ba ang nangyayari sayo. Walang mali sa mga anak natin."

Natahimik si Tatay Jess sa sinabi ng asawa neto.

"Hindi ko alam kung totoo ang sinabi niya, pero kanina daw may tumawag na Mommy sakanya, isang batang babae."

"Jess pano kung hinahanap pa rin siya ni Deanna? Ang laki ng kasalanan natin sakanya, tinago natin sakanya si Jema."

"Jessica! Jessica ang pangalan niya, wala na si Jema namatay na siya limang taon na ang nakakalipas."

"Fe gusto kong mabuhay ng normal ang anak natin, normal na babae, may asawang lalake at bubuo sila ng normal na pamilya, ginagawa ko lang ang makakabuti sakanya."

"Jess, tingin mo ba sa buhay na dinidikta natin sakanya normal pa ba siya? Ang huling sabi ng doctor hindi man bumalik ang mga alaala niya mabubuhay parin siya ng normal basta ipaalala lang sakanya yung dati niyang buhay, pero iba ang ginawa natin binigyan natin siya ng ibang buhay, buhay na malayo sa mga bagay na nakakapagpasaya sakanya, normal ba siya sa sayo?

"Walang gusto ang isang Ama kundi ang sumaya ang anak niya, sobrang paghihirap ang dinanas niya noon Fe, nakita ko yung ilang beses siyang paulit ulit na nasaktan, gusto mo bang danasin niya yun ulit? Ang mabuhay na may mga matang mapanghusga? Mabuhay sa bagay na hindi tanggap ng karamihan? Ama ako at gusto ko lang siyang sumaya."

"Pero Jess pano kung yun pala ang magpapasaya sakanya?pano pala kung yun ang kulang sakanya? Nahirapan siya noon pero masaya siya."

"Hindi niya makakaya na masaktan ulit Fe, hindi niya makakaya yun. May mga limitasyon ang mga bagay bagay sakanya, hindi na siya tulad nang dati, makakasama sakanya ang sobrang pagiisip gusto mo ba na macoma siya ulit?"

"Jess hindi naman yung utak ang gagamitin niya, kundi yung puso niya. Bakit ka ba natatakot nandito naman tayo gagabayan natin siya."

Hindi nakapagsalita si Tatay Jess.

ENDLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon