fourteen

5.3K 240 56
                                    

Jema's

Nagising ako ng tumama sakin ang sinag nag araw galing sa bintana.

Mukhang nalate ako ng gising. Madalas maaga ako nagigising o kaya naman hindi ako makatulog pag nasa ibang lugar ako.

Pero dito iba, mapayapa ang aking pakiramdam na tila ba matagal ko ng nakasanayan na nandito ako.

Sa pag baba ko naririnig ko ang mumunting tawanan nila Deanna at Tabby.

Binibihisan ni Deanna si Tabby may lakad siguro sila.

"Mama gisingin na kaya natin si Mommy." Tabby said

"Hindi anak hayaan lang natin  muna siya magpahinga baka na pagod yun."

"E pano yan di ko siya makikita pag alis ko tapos hindi ko pa siya makakasabay mag breakfast." She said.

Napangiti ako. Naka pout pa siya habang sinasabi yun.

"Good morning." I said

"Mommy!" Agad agad siya bumaba at pumunta sakin.

"Good morning Mommy."

"Good morning baby. Saan punta niyo."

"Mag ballet class po ako.Wanna come?" She said.

"Ah baby hindi pwede sumama si Mommy." Singit ni Deanna.

"Why?" I asked.

"Kasi kasama namin si Dianne." She said.

Hindi ko alam pero parang may tumusok sa dibdib ko.

Wierd feeling.

Sino nga ba yung Dianne? I'm trying to remember her at ang pumasok agad sa isip ko yung humalik kay Deanna.

"Isa pa di ka pa nagbreakfast paalis narin kami eh." She also said naramdaman niya siguro na bumago mood ko.

"Wala akong kasama dito." I said.

"Bakit di ka nalang bumalik sa mga magulang mo." She replied.

"Mama! Inaaway mo na naman si Mommy pag umalis yan iiyak ka na naman." Biglang sabi ni Tabby.

Tiningnan ko si Deanna.

Kitang kita yung pamumula niya.

Hindi na ito nakapagsalita at hinila na si Tabby.

"May food na jan sa table , eat your breakfast and drink your medicine. Ihahatid ko lang si Tabby, tapos may dadaanan lang ako babalik ako before lunch." She said.

May dadaanan daw! Makikipagkita ka lang doon sa babae mo.

Nawiwierduhan na ako sa mga pumapasok sa isip ko.

Pag kaalis nila kumain ako ng almusal, sinubukan ko magkaroon ng pakinabang naisip ko na maglinis.

Pumunta ako sa kwarto ni Tabby at inayus ito.

Habang inaayos ito nakita ko ang mga litrato neto mula ng bata pa siya.

Ang ganda gandang bata ng anak ko.

Nakita ko ang mga drawing neto at isa sa mga umagaw ng atensyon ko ang sulat na ginawa niya.

Birthday wish: Mommy to comeback
Chrismas wish: Santa I want my Mom for Christmas.
Wish for someone: Mama's Happiness

Nakita ko yun sa isang board nakasulat, I was so touch to the point na naluha ako, she's been wishing for me for a long time.

Tama si Deanna she's been through a lot, at pagnalaman neto na di ko siya naaalala ay baka masaktan ito.

ENDLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon