Eleven

3.6K 206 32
                                    

Jessica's

"Mommy, mommy, please wake up mommy"

"Jema wag mo kaming iwan, hindi ko kakayanin."

Minulat ko ang aking mga mata.

Ilang araw ko ng paulit ulit naririnig ang mga boses na yun.

Ilang araw na din ba akong tulog?

Huling naaalala ko umuwi ako saamin  na sobrang sakit ng ulo ko.

Sobra kung iniisip yung mga nararamdaman ko kay Deanna nung araw na nakita ko siya.

Hindi ko maintindihan at hindi ko mahanap ang kasagutan sa lahat ng nararamdaman ko.

Sobrang naguguluhan ako hanggang sa nawalan na ako ng malay.

"Anak?" Tawag sakin ni Tatay bakas sa kanya ang labis na pagod at pag aalala.

"Tay."

Naluha siya ng tawagin ko siya.

"Akala ko hindi mo na naman kami kilala matapos mo maComa ng limang araw." Iyak ng iyak ang tatay ko.

Limang araw na naman akong walang  malay.

Ngayon na naman nangyari to ilang taon na rin nung huli kong beses maranasan to.

"Kamusta pakiramdam mo anak? May masakit ba?" Tanong ni Nanay.

Umiling ako.

"Nay may naaalala po ako. May tumatawag sakin na Mommy at Jema."

"Nay sino si Jema? Kaninong bata yung boses na yun?"

"Anak magpahinga ka muna, hindi makakabuti sayo ang labis na pag iisip. Please." Sagot ni Nanay.

"Nay pakiramdam ko may bagay na sobrang importante sakin ang nawala sakin. Hindi ko man yun maalala pero hinahanap yun ng puso ko Nay."

Hindi na kumibo si Nanay.

Paglipas ng ilang araw nakalabas na ako sa hospital. Nanatili parin na tanong yung mga bagay na naalala ko.
Sobrang daming tanong sabi ng doctor impossible daw na may naalala ako.

So ano pala yung narinig ko sa panaginip ko? Wala lang yun?

Tinatawag ako na Mommy nung nasa panaginip ko, ibig sabihin ba noon may anak ako?

Sino ang asawa ko?

Kung may anak ako nasaan? Bakit hindi sakin sinabi ni Nanay at Tatay?

Impossible nga siguro.

Hindi ko naman alam kung pano maging isang ina kaya imposible na may anak ako.

Hindi ako pwede mag isip ng sobra dahil baka hindi na naman kayanin iproseso ng utak ko.

Huminga nalang ako ng malalim,

"Lalim non ha. Okay ka lang ba may masakit ba?" Tanong sakin ni Ate Jovs.

Kasama ko siya ngayon pati narin yung  isa kung kapatid para narin daw malibang ako at may makausap.

"Wala Ate, naguguluhan lang ako."

"Ano ba yung magulo." Tanong niya.

"Etong sitwasyon ko. May mga bagay na parang naaalala ko pero sabi naman ng doctor impossible, may parang kulang sakin. Dati naman hindi ko iniisip yung kulang sakin, dati naman tanggap ko na at iniwan ko na sa noon yung mga bagay na hindi ko na naaalala pero ngayon gusto ko malaman. Ano ba ako noon, Sino ba ako noon." I sight I feel hopeless.

Nilapitan ako ni Ate Jovs at hinimas ang aking ulo.

"Baka kasi wala ka talagang naaalala Jessica." She said.

ENDLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon