thirteen

5K 214 88
                                    

Jema's

I'm silently packing my things, desidido talaga ako na umalis kahit ayaw ni Tatay.

We had a heated argument matapos kung sabihin na gusto ko umalis. Umalis si Tatay, alam ko galit siya.

Gusto ko lang naman malaman kung ano ako noon.

Dati wala na akong pakialam sa kung ano yung noon pero simula nang malaman ko lahat I want to dig more.

I want to know how my life before, I want to know kung pano ko minahal si Deanna.

Yun naman talaga ang rason.

Si Deanna.

"Anak." Napahinto ako sa pag iisip ng tinawag ako ni Nanay.

"Nay."

"Anak sigurado ka ba sa gagawin mo, natatakot ako baka mapano ka."

"Nay ayos lang po ako, panahon na siguro para tumayo ako sa sarili kung mga paa, Gusto ko makilala sa "Jema" Nay." I said.

Nanay smile sadly, "Ganyan si Jema anak, ganyan na ganyan yung sinabi niya samin noon nung ginusto niyang mabuhay magisa sa Manila, ikaw si Jema anak."

Tahimik lang kong pinapakinggan siya.

"Magiging panatag ako kung doon ka kay Deanna walang problema sakin yun. Doon ka naman talaga dapat noon pa." She said sadly

Tahimik lang ko. Ayaw ko na dagdagan ang lungkot sakanila, alam ko nasasaktan ko sila sa mga ginagawa kung desisyon.

"Wag kang magagalit sa Tatay mo ginawa niya lang ang lahat para sa ikabubuti mo, yung alam niyang paraan ang ginawa niya para maprotektahan ka." She continued

"Anak ang gusto ko lang sana sa paghahanap mo ng kung ano ang kulang sayo, wag mo kalimutan kung ano yung pansamantalang bumuo sayo, wag mo sanang iwan ang tatay mo, oo nagkamali siya pero ginawa niya yun dahil mahal na mahal ka niya."

Tumango ako.

Kinabukasan,

Naabutan ko na nakaupo sa labas si Tatay at malayo ang tinatanaw.

"Tay."

"O ano pa ba ang ginagawa mo dito?! Diba aalis ka, umalis kana?" Sabi niya ng hindi ako nililingon.

"Tatay." I repeat.

"Ginawa ko ang lahat Jema, mabuhay ka lang pero eto ka nilalagay mo ang sarili mo sa kapahamakan."

"Gusto ko lang malaman kung ano ako noon." I said.

"Yung ikaw noon ang dahilan bakit ganyan ka ngayon! Tapos babalikan mo para saan" He asked

"Para maramdaman ko ulit kung pano magmahal."

Nilingon niya ako. "Mahal ka namin anak, hindi pa ba sapat yun?"

Yumuko ako. "Mahal ko kayo Tay, kayo nila Nanay pero Tay ramdam ko yung kulang, I feel that there's an empty space in my heat that needed to be fill in. Yung di mo maexplain na kahit sobra sobra na yung nabibigay niyo may kulang parin."

"I feel so unfulfilled."

"Nung malaman ko yung about samin ni Deanna, pakiramdam ko baka yun ang kulang."

"Si Deanna na naman, siya ang puno't dulo ng lahat ng to, mula noon hanggang ngayon." He said.

"Sige pumunta ka sakanya, pero sa oras na may mangyari sayong masama patawarin mo ako pero hindi ko alam kung ano magagawa ko sakanya."





Deanna's

"Ma? Hindi po ba masarap yung Pancake?" My daughter said.

"Ha? No anak, masarap siya."

ENDLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon