Two

3.2K 178 30
                                    

Jessica's

As we enter the Arena, It really feels wierd, parang I've been here before or ginawa ko na to dati.

Parang matagal ko ng alam ang lugar na to.

Kasama ko si Nanay manunuod kami ng volleyball, makikita ko na si Deanna Wong.

Maglalaro siya at ang team niya.

I can't define the feeling, sabi ko kagabi kay mama hindi ako makatulog kasi gusto ko na makita si Deanna Wong, ang lakas tibok ng puso ko.

She said excitement daw ang tawag dito. The undefined feeling of happiness for someone or something that you see or experience or looking forward to see or experience.

Naeexcite ako na makita siya and I don't even know why.

Pag upo namin sa seat aalisin ko sana yung bonnet and mask ko pero pinigilan ako ni Nanay.

"Wag anak maraming tao baka makakuha ka ng sakit."

Tumango nalang ako.

Tumingin ako sa paligid.

Maingay pero sobrang sarap sa pakiramdam.

"Anak ok ka lang? Masakit ba ulo mo dahil maingay?" Nagaalalang tanong ni Nanay.

"Hindi Nay, nay hindi po ba ako nagvovolleyball dati?" Tanong ko.

"Hindi anak bakit?"

"Pakiramdam ko kasi naramdaman ko na to noon, I feel good Nay, gusto ko to."

Nang magupisa na ang laro hindi pa yung team nila Deanna Wong ang maglalaro pangalawa sila, puro ingay at sigawan ang maririnig mo sa mga tao habang nag lalaro yung paborito nilang team.

Bakas sa mga mukha nila yung saya minsan inis at kaba.

Ganito ba ang nadadala ng laro na ito.

Gusto ko maramdaman yun.

Gusto ko rin magvolleyball.

"Nay?"

"Bakit anak? May masakit ba?"

"Nay gusto ko magvolleyball."

"Anak hindi pwede yun, hindi kaya ng mga paa mo diba, hindi rin kaya kalusugan mo."

Tumango ako.

Tama si Nanay pero bakit mabigat sa pakiramdam?

Matapos ang unang laro, sunod na sina Deanna Wong.

Nagsigawan ng malakas ang mga tao sa pagpasok neto.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko  habang tinitingnan ko siya.

Bakit nagagandahan ako sakanya?

Gusto ko siya lapitan.

Intense yung game palitan lang sila ng score.

Yung mga mata ko sakanya lang nakatingin.

Siya lang ang nakikita ko.

May isang set kung saan naapakan ng kalaban yung paa niya at bumagsak siya.

Sigawan ang mga tao.

Napatayo ako.

Gusto ko siyang lapitan.

Gusto ko siyang puntahan, nasasaktan siya.

"Jessica umupo ka nga." Awat sakin ni Nanay.

"Jessica, sila na ang bahala dun okay lang siya o nakatayo na nga siya."

ENDLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon