six

3.3K 205 39
                                    

Jessica's

Nakikipagsiksikan ako sa mga tao na gusto maunang pumasok sa Blue Eagles Gym kung saan magkakaroon ng meet and greet with fans ang team ni Deanna.

Kahit anong sabi ni tatay na iwasan ko na makihalubilo sa mga tulad nila, hindi ko parin talaga mapigilan ang sarili ko na gusto siyang makita.

Kaya ng malaman ko na may paganito agad agad ako nagpaalam kay Nanay, alam ko kasi na pipigilan ako ni Tatay pagsakanya ako nag paalam, pumayag naman si Nanay at hinatid ako rito susunduin niya nalang daw ako pag  malapit na magdilim.

Hindi ko alam kung makikilala niya pa ako pero sana maalala niya pa ako.

Sobrang daming tao pero pinilit ko talaga makipagsiksikan. Kahit nababalya at natutulak na ako ng iba.
Medyo sumasakit na rin ulo ko dahil sa hindi ako sanay na ganitong nakikipagsiksikan ako sa maraming tao.

Nang makapasok ako agad ako umupo at hinanap si Deanna. Sobrang mahihilo ako dahil sa dami ng tao pero hindi ko ito iniinda.

Ang gusto ko lang makita siya ulit. Hindi ko alam kung bakit ganito pero pakiramdam ko sobrang kulang ng buhay ko pag wala siya.

I don't want to over think anymore coz even my mind can't find the answers why, so I'm just letting my instinct to follow what my heart feels right.

And with her it feels right.

Masama pakiramdam ko dahil dun sa kanina kaya minabuti ko na pumunta muna sa CR pero pag hakbang ko umiikot paningin ko.

Na out of balance ako, alam ko na babagsak ako at sobrang natatakot ako dahil kahit anong trauma sa ulo ay makakasama sakin.

Nakapikit nalang ako.

Akala ko babagsak na ako

Pero

May sumalo sakin

Si Deanna.

At bakas sakanya ang labis na pag aalala.




Deanna's

Sa mga nakaraang araw pinilit kung inalis sa isipan ko na si Jema ay buhay, kung gaano ako kasabik na makita siya ulit noon, ngayon ay pilit ko inaalis sa isip ko na nakita ko na siya dahil sa hindi yun makakabuti sakanya.

Hindi ako makakabuti sakanya at napakasakit isipin na hindi na kami pwedeng magkasama.

Hindi na mabubuo ang pamilya na minsan ay pinangarap namin.

Isa sa mga naging outlet ko para kahit papano mabawasan  ang pangungulila sakanya ay ang magvolleyball.

Ngayon may event kami dito sa blue Eagles Gym para sa isang meet and greet with fans.

Nakakaoverwelm na andaming tao n sumusuporta parin sakin kahit matagal na akong graduate dito.

Iniikot ng aking mga mata ang mga tao na nagsisiksikan mauna lang makapasok.

I take a video of it para ipost sa IG ko, but as I took a video of it someone caught by my phone.

"Jema?"

Agad ko itong hinanap sa crowd.

Makakasama yun sakanya, masyado mainit at siksikan baka masaktan siya.

Labis ang aking kaba habang hinahanap siya.

Hanggang sa makita ko papuntang CR, nuamumutla eto buti nalang nasalo ko siya ng matumba ito.

Wala masyado nakahalata samin agad ko siyang pinasok sa dug out , walang tao rito dahil nasa labas na sila.

"Ayus ka lang ba?"

ENDLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon