Chapter 4

30 3 0
                                    

PAGKATAPOS mananghalian ay niyaya kaagad ni Dylan si Anissa papunta sa park. Kitang-kita niya ang excitement sa mga mata nito na animo hindi nakakalabas ng bahay samantalang maaari itong lumabas kahit kailan nito gustuhin.

            She giggled. "Sandali lang naman. Mataas pa ang araw, o," pagdadahilan niya. Gusto niya lang asarin ito dahil kanina pa ito nagmamadali.

            "Nissa, naman! Magdadala na lang ako ng payong."

            "Sige. Basta ipasan mo uli ako. Hindi natin dadalhin 'yung wheelchair ko. Bahala kang mahirapan sa akin." Nawili siya sa ginawa nitong pagbuhat-buhat sa kanya. Hindi naman niya nakikitang nahihirapan ito kapag binubuhat siya. Parang wala nga lang iyon dito.

            "Walang problema. Halika na," iniumang nito ang likuran sa kanya at kaagad naman siyang pumasan rito.

            Nang makarating sila sa park ay kaagad siyang iniupo nito sa bench doon. Hinihingal ito nang tumabi sa kanya. Halos tumakbo kasi ito habang papunta sila doon.

            "Ayan kasi. Bakit kasi nagmamadali ka? Marami naman tayong oras para manatili rito," paninisi niya rito. Kusang umangat ang kamay niya upang pahirin ang pawis sa noo nito.

            Nagulat ito sa ginawa niya kaya napatitig sa kanya. Kaagad naman niyang binawi ang kamay niya. Yumuko siya. Nahihiya sa kanyang ginawa.

            "Sorry. May pawis ka kasi sa noo mo kaya pinahid ko lang." Hindi siya makatingin rito. Baka kasi makita nito ang pamumula ng mga pisngi niya.

            "Thanks, my princess," kinuha nito ang kamay niya at pinisil iyon. "Gusto mo ng ice cream? Merong nagbebenta sa banda roon." Itinuro nito ang lalaking nagbebenta ng dirty ice cream sa di-kalayuan.

            Sunud-sunod na tumango siya. Matagal na kasi nang huling nakatikim siya ng ice cream. Hindi kasi pwede na madalas siyang kumakain ng mga ganoong kalamig na mga pagkain dahil madali siyang ubuhin.

            "Dito ka lang. Hintayin mo ako," anito at tumayo upang bumili ng ice cream.

            Pagbalik nito ay excited na kinain niya ang ice cream na iniabot ni Dylan sa kanya. "Thanks."

            "Salamat naman at okay na ang mood mo ngayon," ani Dylan maya-maya. Nakatingin ito sa mga bata 

na naglalaro sa playground.

            "Oo. Kaya nga huwag mo na banggitin."

            "Hindi mo ba maigalaw ang paa mo kahit kaunti?" Napangiti siya sa mabilis nitong pag-iiba ng usapan.

            "Naigagalaw ko nang kaunti ang mga daliri ko sa paa pero ang mga tuhod ko, hindi ko man lang maitukod," sagot niya sa kaswal na tinig.

            "Sa tingin mo ba malapit ka ng makalakad?"

            "Siguro. Kasi may improvement naman. Sana nga ay makalakad na ako para makapasok ako sa kolehiyo."

            "Tutulungan kita. Huwag ka mag-alala."

            Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin nitong tutulungan siya. Hindi na lamang siya nag-usisa.

            "Wala bang magagalit kapag nakita na ako ang kasama mo rito?"

            Nakakunot ang noong binalingan siya nito. "What do you mean?"

            "Like girlfriend or someone special to your heart."

            "Paraan mo ba 'yan para itanong sa akin kung may girlfriend na ko?" Tumaas ang sulok ng mga labi nito. "Pwede mo naman akong tanungin nang diretso at sasagutin ko naman."

Memories Of Your KissesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon