Lumaki si Anissa na mahina ang pangangatawan. Bata pa siya ay marami na ring pagsubok na dumating sa kanya na pilit niyang nilalaban at kasama na roon ang madalas na pagkakasakit. Salat siya sa mga kaibigan. Labis niyang inaasahan ang tuluyang paggaling upang kahit paano ay makahalubilo sa sa ibang tao. Ang kanyang ina lamang at ang mga kasambahay nila ang madalas niyang kasa-kasama.
Imbes na magkaroon ng kaibigan ay nagkaroon pa siya ng kaaway sa pagdating ng kanyang kababata. Parati ay lagi siyang iniinis at inaasar nito. Ngunit sa mga ganoong paraan nito ay unti-unting nahuhulog ang loob niya rito.
Nangako ito na hinding-hindi siya iiwan na labis niyang inaasahan at pinanghahawakan. Ngunit magkatotoo kaya ang pangakong iyon?
