Chapter 9

40 3 0
                                    

"YOU'RE leaving me?" tanong ni Anissa kay Dylan nang sundan siya nito sa treehouse.

            Niyakap siya nito mula sa likuran. "I'm not leaving you. I will just stay there for a couple of years."

            "Pwede namang dito ka kumuha MBA, hindi ba?" tanong niya rito. Malapit na namang tumulo ang mga luha niya.

            "Si Dad kasi ang nagdesisyon, princess."

            "Hindi mo man lang ba siya pinakiusapan na dito ka na lang?"

            Umiling ito. "Wala rin akong magagawa kapag sinabi ko ang gusto ko. Kapag nagdesisyon si Daddy ay walang makakabali doon."

            Kinalas niya ang mga braso nitong nakayakap sa kanya at hinarap ito. "Hindi mo man lang ba susubukan? Please don't leave me, Dylan."

            "Hindi naman ako mananatili roon habang buhay. Babalik din ako."

            Pakiramdam niya ay iniwan na siya ni Dylan ng mga sandaling iyon. Ni hindi man lang ito magsalita sa ama nito. Hindi man lang sumubok. Pakiramdam niya ay hindi ganoon kahalaga ang relasyon nila para rito. Magkasabay na naramdaman niya ang takot at galit. Nangako itong hindi siya iiwan ngunit iyon mismo ang gagawin nito.

            "Iiwan mo rin pala ako," mahinang usal niya na puno ng hinanakit ang tinig.

            Niyakap siya nito nang mahigpit. "Hindi naman kita iiwan. Pagkatapos kong mag-aral ay--"

            "You don't love me!" putol niya sa sasabihin nito.

            "Hindi totoo 'yan. Alam mo naman kung gaano kita kamahal, Anissa."

            "Hindi mo ako ganoon kamahal para manatili sa tabi ko. Bakit kailangang umalis ka pa, Dylan?" Napaiyak na siya.

            "I'm doing this for you, princess. I want to be the best man for you. Gusto kong ibigay sa 'yo ang lahat-lahat."

            "Hindi ko kailangan ng lahat-lahat na 'yan. Ikaw lang, Dylan. Please stay," pakiusap niya rito.

            "Give me a couple of years. Promise, babalikan kita."

            Marahas na itinulak niya ito. "Puro ka pangako! Hindi ba nangako kang hindi mo ako iiwan? Iyon lang ang gusto kong gawin mo."

            "I'm doing this for us, Anissa."

            "No! You're only doing this for yourself. Sana naman isama mo ako sa mga pangarap mo."

            "Lagi ka namang kasama roon, Anissa. Don't be selfish."

            Tiningala niya ito. "Makasarili ako? Sige. Lulubusin ko na ang pagiging makasarili ko. Kapag umalis ka, I'm breaking up with you," pananakot niya. "Mawawalan ng silbi ang pag-aaral mo sa ibang bansa. Wala ka ng babalikan rito."

            Kitang-kita niya ang pagguhit ng sakit sa mukha nito. Halatang nasaktan ito pero nagagalit siya kaya hindi niya inintindi na nasaktan niya ito. Halata rin ang paghihirap ng kalooban nito. Hindi madali rito na iwan siya. Alam niya iyon kaya sasamantalahin niya ang pagkakataong iyon.

            "Stay. Stay with me, Dylan."

            "I'm still going."

            May bumikig sa lalamunan niya. Sunud-sunod ang pagtulo ng mga luha niya. She was right. Hindi siya ganoon kamahal nito. Bakit nga naman nito pagtitiyagaan ang spoiled at selfish na kagaya niya?

Memories Of Your KissesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon