Epilogue

60 3 0
                                    

 

            Unti-unting idinilat ni Anissa ang kanyang mga mata at ang mukha ng kanyang asawang si Dylan ang bumungad sa kanya.

 

            “Hi,” sabi nito. Nag-aalala ang anyo nito. Nangangalumata rin ito.

 

            Hinaplos niya ang pisngi nito. Nagsisimula na ring tumubo ang stubbles sa mukha nito. “Nakapagpahinga ka na ba?” nag-aalalang tanong niya rito.

 

            Hinawakan nito ang kamay niya na nasa pisngi nito. “Huwag mo akong alalahanin. Kulang lang naman ako sa tulog. Ikaw itong hinang-hina pa.”

 

            Luminga siya sa loob ng kwarto. Kaya pala may naaamoy siyang mabango dahil pinuno nito ng bulaklak ang silid. Napaka-sweet talaga ng asawa niya.

 

            “Do you want to see him?” tanong nito na may kakaibang kislap sa mga mata.

 

            Napangiti siya nang maluwang. “Can I?”

 

            Tumango ito at kaagad na lumabas ng silid. Ilang minuto ang lumipas nang muling bumalik ito tangan ang isang sanggol.

 

            Napaluha siya nang mahawakan ang bata. Ang unang bunga ng pagmamahalan nila ni Dylan. “Ang gwapo niya,” ang tanging nasambit niya at hinalikan sa pisngi ang sanggol.

 

            “Kamukha ng daddy,” masayang wika ni Dylan na hinawakan ang munting kamay ng sanggol.

 

            Umismid siya. “Kamukha ko kaya.”

           

            Dyan chuckled. “Wala pa siyang pangalan. Ano ang gusto mong ipangalan natin sa kanya?”

 

            Tumingin siya sa asawa. “Cedie, ang munting prinsipe.”

 

            Kumunot ang noo nito pero nakangiti naman. “Cedie? Cedric?”

 

            “Yes. Prince Cedric Ardeza. What do you think?”

 

            “Bagay nga sa munti nating prinsipe,” anito saka tiningnang muli ang nahihimbing na sanggol.

 

            Nasa ganoong eksena sila nang dumating ang mga magulang nila. Kasama rin doon si Jared. Nanatiling kaibigan niya ito sa kabila ng lahat ng nangyari. Kaagad na pinagkaguluhan ng mga ito ang sanggol.

 

            “Kamukha ng lola,” sabi ng kanyang mommy.

 

            “Ako ang kamukha,” anang ina ni Dylan.

 

            “Ako ang kamukha at wala ng kokontra,” wika ng daddy niya. Nagtawanan silang lahat. Patuloy pa ring nagtalo ang mga ito kung sino ang kamukha ng kanyang anak. Buhat-buhat ng kanyang mommy ang sanggol at makikita sa mga mata nito ang kasiyahan sa pagkakaroon ng apo.

 

            Sila ni Dylan ay pinagmamasdan lang ang mga ito. Maya-maya ay ginagap nito ang palad niya. “Thank you for this chance, Anissa.”

 

            “That's because I love you. Kahit siguro ilang pagkakamali ang magawa mo ay patatawarin at patatawarin pa rin kita.”

 

            Dinampian siya nito ng magaan na halik sa mga labi. Masayang-masaya siya. Labis ang pagpapasalamat niya sa Dios sa pagbibigay nito ng walang kapantay na kaligayahan sa kanya. Kahit bago niya nakuha iyon ay marami munang pagsubok ang dumating na kinaya naman nila.

 

            “I love you, my queen,” ani Dylan.


            “I love you, too, my king.”

 

            And they lived happily ever after.

 

END

Memories Of Your KissesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon