CHAPTER 1
"HINDI AKO MAKABANGON," inda ko habang nag-uunat si Knight sa kabilang tabi ng kama. Napangisi ako sa suot niyang pares ng paw-print na dark blue pajama at hindi ako kaagad na nakaiwas ng tingin nang humarap ito sa akin.
"Saan ang masakit?" tanong niya at saka siya sumampa sa kutson. Pinalagutok pa nito ang kanyang mga daliri sa kamay na ikinagalit ko dahil ayaw na ayaw kong nilalagutok ng kahit na sino ang mga daliri nila dahil nakakasira ito. "Dali na. Bumili ako ng liniment."
Napanguso ako nang makitang nagsasalin na siya ng product sa palad niya kaya naman dumapa na lamang ako at saka sinabing, "Itong likuran ko."
Nanigas ang buo kong katawan nang maramdaman ko ang paggapang ng daliri niya sa aking baywang habang itinataas nito ang laylayan ng aking damit. Napansin ko naman ang mahinang paghalakhak niya kaya naman upang hindi ko magatungan ang kalokohan niya ay hindiko na lamang pinansin.
"Kailan ka pa natutong manghilot?"
"Simula nang magtraining ka."
Napakunot ako ng noo habang hinahayaan siyang manghilot. Hindi ko na lamang siya pinansin nang kalasin niya ang hook ng bra ko. Hindi rin naman niya ako masisillipan dahil hindi naman naka-expose nang buo ang aking likuran.
"Bakit naman?"
"Bakit hindi?" pabalik niyang tanong.
Nang hindi ko siya sinagot ay bigla niyang dinahan-dahan at ginaanan ang pagmamasahe hanggang sa malapit na akong makiliti sa paghaplos siya sa aking balat. Hindi ako nagsasalita dahil nakakaginhawa naman ang paghilot niya.
"Ako rin," saad niya habang pinipindot-pindot ang bandang balikat ko.
"Hindi ako marunong."
Sasagot pa sana siya ngunit kami ay pinutol ng biglaang pagkatok ng kung sino sa pinto. Napatingin ako sa orasan at saka napagtantong alas siete na ng umaga. Hinala ko pababa ang laylayan ng suot ko at saka tumihaya nang takpan ako ni Knight ng kumot.
"Ako na ang sasagot. Ibalik mo iyang bra mo," saad nito at narinig ko na ang pagbukas at sara ng pinto.
Nag-ayos na rin naman agad ako at saka inabot sa pinakadulong sulok ng ilalim ng kama ang kapares ng bunny slippers ko. Sa totoo lamang ay hindi ko pinili ang mga sinusuot ko simula nang magkasama na kami ni Knight sa iisang bubong pero hindi ko maintindihan kung bakit palagi siyang bumibili ng mga damit na kulay pink o kaya naman ay iba pang mga kasuotang may mga mapusyaw na kulay. Literal na hilig niya akong damitan ng mga pambata. Pasalamat siya at hindi ako mapili sa kasuotan.
Hindi nagtagal ay sumunod na ako kay Knight sa sala nang makita ko siyang may ipinipilit na isiksik sa basurahan gamit ang kanyang isang paang nakasuot pa sa blue na bunny slippers na kagaya ng sa akin. Dali-dali niyang tinadyakan ang kung anumang nasa basurahan bago ibalik ang takip at saka nagmadaling maghugas ng kamay sa sink sa kusina.
"Sino yung kumatok?"
He sat opposite from me and handed me a mug for the brewing coffee.
"Nothing. Just a package delivery," he dismissed. He reached for the box of milk and poured in on my mug before pouring the coffee. He was so used to this.
"Yun ba yung tinatadyakan mo sa basurahan?"
He looked up at me and sipped from his coffee. "Yeah. I got the wrong item."
Pinagalitan ko nga siya. "Hindi ganoon ang ginagawa kapag maling item ang nakuha. Sinasabi sa seller at ibinabalik para mapalitan."
"That's useless now, I tore it."

BINABASA MO ANG
Who's That Boystown Girl (COMPLETE)
ChickLit(This can be a stand alone novel.) Kilala na natin si Ren bilang masipag, kuripot, at business-minded na babaeng katutuntong lamang sa ikalabingwalo niyang kaarawan. Hindi maikakailang nagdeklara ng seryosong kompetisyon para sa kanya ang kanyang mg...