Chapter 27

4 0 0
                                    

(Sunday. ♥)

Kath's POV

(Christian------->)

Sunday na ngayon at ito na yung araw ng date namin ni Matthew.

Syempre excited na ako. Makikita ko na ulit sya.

Kaya nagising ako ng 6:00 am.

Ang aga no? Excited much?

Bumangon na agad ako sa kama ko.

Then I stand up to look for what I will wear later.

Pero teka ano ba ang suot pagnagde date?

Minsan lang kasi ako sumama sa mga ganyang date eh.

Bigla kong naalala yung suot ko nung first date namin ni Matthew.

Naka formal kami nun eh.

Hayss... wag na nga magisip poporma na lang ako.

Inilabas ko ng yung skater skirt ko na kulay black then yung white kong damit.

Inihanda ko na ito at inilabas sa cabinet ko.

Bumaba na ako para kumain ng breakfast ko.

In our dinning room I saw my Papa eating.

Kaya sumabay na ako at makipagusap, tagal ko na kasing hindi ito nakakausap eh. Busy sa trabaho.

"Good Morning Papa!"

"Morning din anak! Agap mo ah?"

"Ah. Oo nga po eh."

"Kain ka na dito sabay na tayo."

Umupo ako sa tapat nya at kumain na.

"Kath bakit di ka muna sumama sa Mama mo sa restaurant tumulong ka muna dun wala ka namang pasok eh."

"Ammm... wag po muna ngayon. Next time na lang po."

"Bakit naman?"

"May pupuntahan po kasi ako eh..."

"Saan naman yun?"

"Sa dat--- lalabas lang ako po ako kasama ang isang kaibigan."

Totoo naman ah? Hehehe!

"Naku. Tinatamad ka lang naman ata eh."

"Promise po next time sasama ako."

"Sige na nga. Kain kana. Aalis na ako anak ha? Duty pa ako eh."

"Bye po Pa."

At umalis na sya. Habang nakain ako nag online muna ako sa Facebook.

Lumabas agad sa newsfeed ko yung status ni Matthew.

"Excited na ako mamaya. Magkikita na naman kami. ♥"

Ako ba tinutukoy nya? ♥ Emeged.

Habang nagfe-faceboook at nakain ay biglang tumunog yung door bell.

May bisita ata yata kami ngayon.

Tumayo agad ako at nagayos ng buhok, kagigising ko lang eh.

Pagkabukas ko nung pinto namin ay biglang kong nakita si Christian sa gate namin.

"Oh Hi Christian! Bakit ka nandito?"

"Pwedi pumasok muna ako?"

"Sige pumasok ka na pero wag mong i-expect na kasing ganda to ng bahay nyo ha?"

"Bakit maganda din naman ah."

"Tss... Sige pasok na."

Sinara ko ulit yung gate at pinto namin.

Because Of Facebook. <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon