22. Sa Kabilang Buhay

255 3 0
                                    

I

Ako'y hindi dito laging mamamayan

Ang bayan ko'y doon sa kabilang buhay

Ako'y dito ngayon lamang naglalakbay

Atas ng Dios na marangal

KORO:

Dinggin ang aral ni Hesus

Sundin mo ang Kanyang utos

Magbalik loob ka sa Kanya'y pasakop

Naghihintay Siyang lubos

II

H'wag nating lingunin ang pinagdaanan

Ng buhay alipin nitong sanlibutan

Puso'y ititig mo sa Kaitaasan

Doo'y walang gutom uhaw

III

Anong laking lugod kung ating tanggapin

Biyayang pangako ni Hesus sa atin

Doo'y pawang lugod, doo'y pawang aliw

Kamataya'y wala na rin.

HIMNARIO - MCGITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon