Dios ko'y pakinggan
Hibik ng anak Mong hirang . . .
1.
Aking kahinaan ay Iyong tulungan
Upang manatili sa loob ng 'Yong kulungan
Dawag na lakbayin ay h'wag Mong bayaan
Na ako'y mapawakawak, anak Mong luhaan
2.
Ang ulap ng aking puso
Ama'y Iyong hawiin at dawag na matinik
Sa aking lakbayin
Suligi ng madlang sala
Sa buhay ko ay kikitil
Ama naming mapagtangkilik kami'y Kalingain
3.
Ngayo'y umaawit Ama't maligaya
Buhay ko'y sinagip sa dalita't dusa
Ako ma'y alibugha, palad ko rin oh Ama
Sa kawakasa'y paraiso kong ligaya
4.
Kaya di kukupas, liwanag sa puso
Dampulayan Mo ako sa aking pagsamo
At habang nabubuhay, ang pangako ng puso
Ikaw, oh Ama sa buhay ko ay pintuho.
BINABASA MO ANG
HIMNARIO - MCGI
EspiritualAng mga awit na ito ay ibinalangkas sa pangangasiwa ni Kapatid na Nicolas A. Perez at Kapatid na Eliseo F. Soriano.