I
Verbong Kristo daa't buhay
Ilaw ng aming kabuhayan
Kapatid naming panganay
Sa Iglesia ng Dios na banal
Ang pusong makasalanan
Halinhan ng pusong laman
Hasikan ng Iyong aral
Nang kami ay magbagong buhay
II
Kristo Hesus na nagdusa
Sa pagtubos sa aming sala
Buhay alay sa Iglesia
Mailigtas Mo sa parusa
Ikaw ang daan ng buhay
Tungo sa Amang marangal
Sa paraiso mong bayan
Mithi ng Iglesia Mong hirang
III
Paraisong sakdal inam
Sari-sari ang mamamasdan
Mga batong makikinang
Gintong lantay ang lalakaran
Doo'y wala na ang hirap
Lungko't luha at bagabag
Buhay doo'y di kukupas
Kagalaka'y di magwawakas.
BINABASA MO ANG
HIMNARIO - MCGI
SpiritüelAng mga awit na ito ay ibinalangkas sa pangangasiwa ni Kapatid na Nicolas A. Perez at Kapatid na Eliseo F. Soriano.