(adapt. Love Me Once Again)
I
Mapalad ako
Nang Ika'y makilala
Sawi kong buhay
Sinagip Mo sa dusa
Sumilang ang bagong pag-asa
Ng puso kong abang-aba
II
Aawitan ko
Pakiusap ng puso
Habang may buhay
Ito'y aking pagsamo
Oh Kristo Hesus
Ay ingatan Mo
Puso kong ito'y
Di magbabago
Hanggang sa wakas
Ikaw ang kasuyo ko
III
Sa paraiso
Lunasan Mo ang sakit
Aking madama
Ligayang di malirip
Naniniwalang hanggang sa wakas
Iingatan Mo Hesus kong liyag
Pag-ibig sa 'Yo'y
Hinding hindi kukupas
( ulitin III )
BINABASA MO ANG
HIMNARIO - MCGI
SpiritualAng mga awit na ito ay ibinalangkas sa pangangasiwa ni Kapatid na Nicolas A. Perez at Kapatid na Eliseo F. Soriano.