115. Awit sa Bautismo

201 1 0
                                    

I

Oh Ama na di malirip

Ang 'Yong mga kahabagan

Puspos ng mga pag-ibig

Hindi namin matumbasan

KORO:

Kaming maralitang hirang

Tinipo't kinahabagan

Linisin ang kasalanan

Sa tubig na lulusungan

II

Ang samo namin at bihik

Paglusong namin sa tubig

Patawad ay ipakamit

Nang sa sala ay mabihis

III

Ang tubig naming libingan

Kami ay Iyong samahan

Upang kami'y mabihisan

Sa salang taglay sa buhay

IV

Puso't isip linisin Mo

Alisin ang pusong bato

Bagon puso't pagkatao

Bagong buhay sa piling Mo

V

H'wag mo sanang ipagkait

Hesus na mapagtangkilik

Sa salang lumiligalig

Na narito sa paligid.

VI

pagkutya at pag-uusig

Iwalay Mo sa 'ming isip

Upang kami'y mangalinis

Nang sa Iyo ay paglapit

VII

Tawagin Mo rin oh Ama

Magulang at kakilala

Maglingkod na sama-sama

Sa loob nitong Iglesia

VIII

Ang naritong nagmamalas

Puso nila ay ibukas

Ang aral Mo ay matanggap

Upang lahat ay maligtas

IX

Lahat ay pawang papanaw

Lahat ay may katapusan

Lahat ng yaman at dangal

Lahat pawang maiiwan

X

Ang nalalabi mong buhay

Ipaglingkod na dalisay

Upang ating matugunan

Dahilan ng pagkakalalang

XI

Kaya tao ay mag-isip

Kamataya'y lumalapit

Araw ng Dios ay sasapit

Lahat tayo'y magsusulit

HIMNARIO - MCGITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon