51. Pangalang Dios Ay Mataglay

145 1 0
                                    

I

Sumasambang may pagluha

Alipin Mong alibugha

Puso'y tigib ng dalita

Hibik Ama'y maawa

KORO:

Oh Dios ay maligaya

Ang aming kaluluwa

Mabuhay sa Iglesia

May buhay walang hangga

II

Anong pait kung mawalay

Sa dakila Mong Pangalan

Pangalang Ama'y mataglay

Hanggang sa kawakasan

III

Aral Mo'y kalasag namin

Kristong mahal kong giniliw

Mithing buhay ay tamuhin

Hanggang langit ko'y aliw.

HIMNARIO - MCGITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon