1.
Kayong bagong pinagsama
Tali ng kapalaran
Magulang na nagpalaki
Ay inyong nilisan
Ang bagong paguugali
At ang bagong kabuhayan
Sa bagong kinasama
Siyang pag-aaralan
KORO:
Lalaki ang tutungkulin
Babae ay mamahalin mo
Pagkat katawan mo siyang
Ikaw ang siyang mangungulo
Pag-ibig mo sa kanya'y
Gaya sa sarili mo
Ikaw babae ay gayon din
Lalaki'y pagtapata't sundin mo
Ito ang iyong tungkulin
Siyang utos ni Kristo
Sama-samang magtatamo
Bayang Paraiso
2.
Mga kawal kabanalan
Tulungan ng paghibig
Kapatid na bagong kasal
Sa puso'y iyukit
Ang aral na napakinggan
Kalasag mo sa panganib
Ingatang mapayapa
Na hanggang suma-langit.
BINABASA MO ANG
HIMNARIO - MCGI
SpiritualitéAng mga awit na ito ay ibinalangkas sa pangangasiwa ni Kapatid na Nicolas A. Perez at Kapatid na Eliseo F. Soriano.