I
Sa malawak na dawag ng ating kubuhayan
Pawang lungkot, dusa't kabagabagan
Ang twina'y kabaka sa ating kalagayan
Si Hesus ngayon ang aking Kanlungan
KORO:
Lapitan natin Siya sa tawag na mairog
Si Hesus ang Timbulan ng sa Kanya'y susunod
Anyaya'y pakinggan mo nang sa puso'y pumasok
Upang maging alagad Niyang lubos
II
Sa malaking daluyong ng madlang kasalanan
Kalul'wa ko'y bagabag araw-araw
Sa hapo ng isip ko sa madlang kalayawan
Si Hesus sa akin ngayo'y nag-akay
III
Si Kristong Timbulan ko ang Bato na Matibay
Na pamuksa sa madlang kasamaan
Si Hesus ang Pastor ko taglay na kahinaan
Sala kong hindi kaya'y tutulungan.
BINABASA MO ANG
HIMNARIO - MCGI
EspiritualAng mga awit na ito ay ibinalangkas sa pangangasiwa ni Kapatid na Nicolas A. Perez at Kapatid na Eliseo F. Soriano.