I
Ngayon oh Ama'y iniaalay na
Pasasalamat naming panata
Awit dalangin hinahandugan ka
Marapatin Mo sana.
KORO:
Ama'y ibilang
Sa amin ito na kabanalan
Handog ng Bayan
Na Iyong kaluguran
SABAT:
Ang abuluyan naming iniaalay
Evangelio ang paggugugulan
Nang lumaganap aral na madalisay
Kaligtasan ng tanan
II
Ang Pasasalamat huwag lilimutin
Laging ihandog sa Amang giliw
Sa naghahandog may pusong taimtim
Ligtas ka sa hilahil
III
Kaya dapat laging magpasalamat
Kabutihan Niya'y walang pambayad
Mga kaloob Niyang di masusukat
Gantihing Pasalamat
IV
Pasasalamat ay kalugud-lugod
Kung may unawa sa Kanyang utos
Pagkat Kanya ang kagandahang loob
Na hindi masasayod
V
Dito malalaman ang may pag-ibig
Pasasalamat di mawawaglit
Palaging laman ng puso at isip
Ang sa Dios na pag-ibig
VI
Ito ay hula na masasaksihan
Bayan ng Diyos ang pagmumulan
Pasasalamat sa Amang Lumalang
Laging ipagdiriwang
VII
Ang pangako ng Dios na magaganap
Ang Bayan Niya ay matatatag
Kung palagi nang magpapasalamat
Pararamihing ganap
VIII
Kaya kapatid tayo'y magsumikap
Na makadalo sa Pasalamat
May pangako ang Dios na pagliligtas
Sa tatalimang ganap
IX
Kung kailanga'y magtatawid bayan
Tapat na lingkod magpaparangal
Upang lingap ng Dios ay masumpungan
Hahanaping mainam
X
Hanggang sa muli nakming paghahandog
Ang pakiusap oh Amang Dios
Angkaluluwa ay ingatang lubos
Ng awa Mo't pag-irog.
BINABASA MO ANG
HIMNARIO - MCGI
SpiritüelAng mga awit na ito ay ibinalangkas sa pangangasiwa ni Kapatid na Nicolas A. Perez at Kapatid na Eliseo F. Soriano.