125. Koro

101 0 0
                                    


Sa pagtanong ng pakakak tayo'y mabubuhay

Kanyang huhukuman buong sanlibutan

Tayo'y hahatulan lahat ng kinapal

Sa mundong ibabaw

Ang lahat ng taong maglilingkod

Na Kanyang hinirang

Tanging magtatamo ng pangako N'yang

Mithiin ng tanan walang hanggang buhay

Sa nangagtagumpay

Paalam na kaming lahat

Paalam na sa'yo

Yayaon ang tanan ulilang iniwan

Sa iyo'y paalam babalik na muli

Sa dampang tahanan;

Taglay sa aming puso ang hapis at lumbay

Na Siyang sakbibi sa buhay ng mga ulila mong

Maaga na iyong iniwan

Sa kapighatian.


Kaya kami'y umaasa

Na si Hesus paparito Siya

Tayo naman ay humanda na

Hanggang muli nating

Pagkikita-kita . . . . . . . Amen

HIMNARIO - MCGITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon