95. Pag-ibig Sa Kababayan

41 0 0
                                    

1.

Oh mga Romanong aming kababayan

H'wag ninyong isiping kayo ay kaaway

Kundi bagkus kayo'y aming minamahal

Tayo'y magka-bansa magkakaibigan

2.

Ang isa nga lamang pinagtatalunan

Sa paniniwala tayo ay hiwalay

Sa aral ni Kristo kayo'y nangaligaw

Bunga ng di tapat na mga dayuhan

3.

Sinisisi namin mga nagturo sa inyo

Pagkat isinisinsay ang aral ni Kristo

Ang nais nga lamang yumaman sa mundo

Kaluluwa ninyo'y walang paraiso

4.

Kami'y nagtatapat huwag kaawayin

Ang Katotohana'y h'wag ninyong itakwil

Magbuklod ng puso Evangelio'y sundin

Iglesia ng Ama ang kanlungan natin

5.

Iglesiang Mag-Ama Haligi't Saligan

Ng Katotohanan ating kaligtasan

Darating si Kristo pagsama-samahan

Pasukan ng lahat mundo'y huhukuman

6.

Di maiiwasan tao'y mamamatay

Bubuhaying muli mula sa libingan

Matibay na tanda ating kamatayan

Hukuman ni Kristo tao' hahatulan

7.

Lahat ng tumupad utos Kordero

Tiyak na siguro tungong paraiso

Buhay walang hanggan ating matatamo

Lhat ng may ibig sama-sama tayo.

HIMNARIO - MCGITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon