29. Paglilingkod Ay Samahan

99 0 0
                                    

(adapt. Pilipinas Kong Mahal)

I

Amang Makapangyarihan

Kaming tupa Mo'y tunghan

Sa 'ming mga pagkukulang

Kami'y 'Yong kahabagan

Paglilingkod ay samahan

Magpahanggang kawakasan

Ang Paraiso Mong bayan

Marating naming tanan

II

Kristo Hesus naming sinta

Buhay nami't pag-asa

Ika'y aming makasama

Sa buhay walang hangga

Pastor ka ng kaluluwa

Akayin kami tuwina

Manatili sa Iglesia

Iligtas sa parusa

III

Ang banal na Espiritu

S'yay lakas niyaring puso

Sa tukso ay naglalayo

Upang huwag marahuyo

Katuling sa kahinaan

Gabay ko sa kadiliman

Sa amin ay isubaybay

Nang kami'y maingatan.

HIMNARIO - MCGITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon