58. Kaming Mga Tinawagan

106 3 0
                                    

I

Kami na Iyong tinawagan

Ay nagkakapisan

Nagpupuri sa Amang Banal

Kami'y kaawaan

KORO:

Ang samo nami't pakiusap

Kami'y maging ganap

Ang kalumbayan nami't hirap

Kupkupin ng lingap.

II

Pusong may'rong kabalisahan

Ama ay tanglawan

Sa marupok naming laman

Aral ipatnubay

III

Sa Iglesiang pinagtawagan

T'wina ay samahan

Puso nami'y laging ingatan

Hanggang kawakasan.

HIMNARIO - MCGITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon