Chapter 2: Zurich Jabe Juanillo

129 10 0
                                    

2:Zurich Jabe Juanillo

"Mom I'm here" sigaw ko nang makapasok na ako sa loob ng bahay.

Pag pasok ko ay sinalubong agad ako ng yakap ni mommy at hinalik halikan ako sa mukha."My beautiful daughter is here" excited nyang saad.Napairap naman ako dahil sa sinabi nya.

She always telling me na maganda ako at hindi panget na kahit kailan ay hindi ko pinaniniwalaan dahil nakikita ko naman kung ano talaga itsura ko.Hindi ako kagaya nila mommy at ate na maganda."How's your day sweety?" tanong ni mommy.

Nandito na kami ngayon sa kusina at kumakain.Hindi pa napapansin ni mommy ang itsura ko dahil hindi naman sya napapatingin sa bandang ibaba ko na may putik at medyo tuyo na rin naman ako."Masaya naman po.Sobrang saya" nakangiti kong saad.

Hindi alam nila mom and dad ang nangyayari sakin sa school.Hindi ko sinasabi sa kanila ang lahat ng panlalait at pananakit na nararanasan ko.Ayaw ko silang madamay at baka lalo pang lumala kapag nag sumbong ako.

"Mabuti naman kung ganon.By the way.Your birthday is tomorrow na sweety.You can invite your friends" saad ni mom.

Napayuko naman ako.Buong akala nila ay may kaibigan ako sa school at masaya akong nag aaral doon.Hindi nila alam na mag isa lang ako palagi at napagtitripan pa.Nakokonsensya na nga ako dahil nagsisinungaling ako sa kanila pero mas mabuti na yun dahil hindi na nila iisipin pa ang problema ko at ang business nalang namin ang aatupagin nila at ayaw ko nang makadagdag pa sa kanila.

"No need na mom.Pwede naman po kahit tayo nalang mag celebrate wag na po yung masyadong enggrande ang party.Kahit tayo nalang po apat nila daddy at ate okay na po sakin" wika ko.

"Ahh your so sweet baby girl.Okay if that's what you want.Kakain nalang tayo sa labas at mamamasyal.Okay na ba yun sayo?" nakangiti nyang saad.Tumango naman ako at ngumiti rin.

Wala naman kasi akong kaibigan na mai-invite sa birthday ko kaya mas magandang kami nalang apat ang mag celebrate kesa gumastos pa sila ng malaki para sa party ko bukas.

Matapos kong kumain ay nagpaalam na ako at umakyat na sa kwarto ko.Napapagod na akong magpanggap na okay sa harap ni mommy lalo pa't napapaniwala ko syang okay talaga ako sa school.Tama nga talaga sila na naitatago ng isang tao ang problema o sakit na nararanasan nya sa pamamagitan ng ngiti na ipinapakita nya sa tuwing nagsasabing okay sya kahit na ang totoo ay hindi naman talaga.

Sa tuwing darating ako sa bahay ay ngingiti ako na parang walang nangyari sakin sa school upang maitago ko kina mama ang lungkot at sakit na nararanasan ko.I don't want them to worry.Mas mabuti pang ako lang ang nakakaalam at ayaw ko nang madamay pa sina mommy.

•~•~•

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil narinig kong tumunog ang phone ko.Isinuot ko muna ang salamin ko bago bumangon at kinuha ang phone ko na nag alarm pala.Nakalimutan kong nag aalarm pala ako para magising ako ng maaga.

Agad na akong naligo at nagbihis upang umalis na.Wala akong ganang kumain kaya didiretso nalang ako ng school.Nakita ko naman na nakahanda na ang sasakyan kaya naka alis agad ako.

He's In love with the Ugly GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon