Chapter 36: Her Father's Mistress

54 4 0
                                    

36:Her Father's Mistress


Alasingko na ng hapon at kasalukuyan akong nakatayo sa harap ng isang coffee shop.Ito na kaya yun? Hindi kasi ako sigurado kung ito na ba yun pero tama naman ang pangalan na nakaukit sa taas ng coffee shop kaya ito na siguro yun.

Dito gustong makipagkita ni Tito Arnold na okay naman sakin dahil mahilig akong magkape.Naglakad ako patungo sa shop at pumasok.Nagpalinga linga pa ako sa paligid para hanapin sya at hindi naman ako nabigo dahil nakita ko sya agad sa pinakadulo na upuan malapit sa bintana.

Hindi ko naman maiwasan ang kabahan dahil na naman sa presensya ng daddy ni Zurich.Siguro masasanay rin ako kapag nakilala ko si Tito ng husto.Just relax, Khaira! Woah!

"Good afternoon po Tito Arnold." bati ko nang makalapit ako sa kinaroroonan nya.

Ngumiti naman sya sakin pero kinakabahan parin talaga ako.Bakit ganun? Can you explain it to me?

"Sit down, ija!"

Umupo naman ako tulad ng sinabi nya.He call the waiter saka nag order ng cappuccino para sa aming dalawa.

"It's nice to see you again, ija!" he said sabay ngiti.Ginantihan ko rin sya ng ngiti dahil alangan naman ignorin ko lang sya.Napaka rude naman ng ganun.

"So, how are you?"

"I'm fine, Tito." bigla ko namang naalala si mommy.Sana maging okay na si mommy paggising nya.

"Good to hear that.You should be fine para sa mommy mo.I know what happened to your family, ija!"

Medyo nagulat ako sa sinabi nya.Medyo lang naman dahil hindi na rin ako magtataka kung kinuwento sa kanya ni mommy ang nangyari.Magkaibigan naman sila kaya comfortable na si mommy masyado para magkwento.She needs someone to lean on and to tell her problems at alam ko naman na kay Tito Arnold nya lang yun magagawa.I know she don't want me to see her crying while telling her problems.

"Hindi ko nga po akalain na magagawa yun ni daddy kay mommy ehh.Sobrang awang awa na po ako kay mommy dahil sa nangyayari sa kanya ngayon." saad ko.Huminga ako ng malalim para pigilan ang luha na nagbabadya nang tumulo mula sa mga mata ko.

Dumating naman ang waiter na dala dala ang in-order ni Tito.Inilapag nya ang dalawang cappuccino bago umalis.

Kinuha ni Tito Arnold ang isa saka uminom ng kaunti nito.

"May mga bagay talaga, ija na hindi natin inaasahan at may mga bagay na hindi mo pa nalalaman.It depends on you kung gusto mo bang malaman ang isang bagay na hindi mo pa natutuklasan."

"Tulad po ng ano?" tanong ko na medyo naguluhan sa sinabi nya.

"Alam mo na ngayon na nagawang lokohin ng daddy mo ang mommy mo but hindi yun sapat para tignan mo lang ang mommy mo na umiiyak araw araw at gabi gabi.Matagal ko nang kilala ang mommy mo at alam ko na mabilis lang syang makalimot sa isang pangyayari na sobrang nakasakit sa kanya.She said to me before na mas maganda nang kalimutan na lang yun kesa iyakan mo pa ng matagal na panahon.Sa tingin mo, ano ang hindi matanggap ng mommy mo sa nangyari? Bakit patuloy parin syang umiiyak?"

He's In love with the Ugly GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon