Chapter 51: Messages

40 2 0
                                    

51:Messages

Ilang minuto rin kaming nagbiyahe bago kami nakarating sa bahay and here we are.Naunang bumaba sakin si Espe ng kotse at sumunod naman ako.Kami na ang unang pumasok sa loob dahil kinuha pa nila mommy ang gamit namin.

Nang makapasok kami, agad naman sumalampak sa sofa si Espe na parang pagod na pagod.Umupo rin ako sa tabi nya at sumandal.

Malaki rin pala ang bahay namin and to be honest, I don't know where my room is dahil hindi ko naman maalala kung saan yun.Hindi ko talaga alam ang buong pangyayari kung bakit nawala ang memory ko basta ang alam ko lang ay naaksidente ako na naging dahilan ng pagkawala ng memory ko, that's what my mom said.Hindi na rin naman ako nagtanong ng kung ano ano pa dahil sa sumasakit kong ulo.

"Hindi ka pa ba magpapahinga sa kwarto mo, Khai? You should rest now." tanong ni Espe na kasalukuyang kumakain ngayon.Ngayon ko lang nakita ang pagkain na nakalagay sa may center table.

"Saan galing yan?" I asked her.

"Dinala nung yaya nyo.Alam mo nalulutang ka na naman kaya hindi mo na napansin to." saad nya sabay subo ulit ng pagkain.Spaghetti yung kinakain nya at meron ring juice.

"Magpahinga ka na Khaira." nagsalita na naman sya but this time nakatingin sya sakin habang punong puno ang bibig.

Ngayon ko lang sya nakitang ganyan at parang gutom na gutom sya dahil sa itsura nya ngayon.

"Hindi naman ako pagod tsaka araw araw nalang akong nakahiga sa ospital ayaw ko naman na pati dito nakahiga nalang din ako."

Nakakapagod rin kaya ang laging nakahiga.Minsan naman nakaupo ako pero mas madalas akong nakahiga.Ayaw kasi nila akong pabangunin at gusto nilang lagi akong natutulog para mabilis daw bumalik ang lakas ko.

"Edi kumain ka nalang ohh!" inabot nya sakin ang isang plato na may lamang spaghetti.

"Ayoko! Wala akong gana."

"Edi akin nalang." nilantakan nya narin ang pagkain na dapat ay akin but it's okay.Wala naman akong ganang kumain ehh.

Maya maya, nakita kong pumasok na sila mommy at daddy.

"Sweetie, you should sleep now dahil may flight pa tayo mamayang gabi." nagulantang ako dahil sa sinabi ni mommy.

"Flight?"

"Yeah! We will go to America." tipid na sagot ni mommy.

Si Espe patuloy lang sa pagkain na parang alam nya na ang tungkol dun samantalang ako nadismaya dahil gusto kong mamasyal ngayon but I should sleep dahil meron kaming flight mamayang gabi.

"We decided na doon ka na mag aaral, baby girl.Besides, doon naman nakatira si ate at lola mo." saad naman ni daddy.

He's In love with the Ugly GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon